Chapter 29 (Reason)

6K 321 32
                                    

Kentaro's POV

Nandito kami ngayon ni Ritsuki, naglalakad papuntang Student Council's Office. Kakamustahin muna namin si Yuichiro, kasi mula kahapon hindi namin siya nakita sa klase.

At nang nasa tapat na kami, bubuksan ko na sana  ang pinto nang magbukas ito. Bumungad sa akin ang nakayukong si Adrian, kaya nagkagulatin kami. Isa pa itong batang ito, hindi siya umuwi sa dorm kahapon. Maski si Ritsuki nagulat din nang makita si Adrian sa loob, ang tagal na rin kasi nung huling magpunta si Adrian dito.

    "Adrian, anong ginagawa-----" napahinto ako nang pagsasalita nang maluha luha ako nitong tiningala at malungkot na ngumiti bago nagtatakbo paalis.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. I can smell Yuichiro's scent in Adrian, and on the other hand, Adrian was releasing a small amount of his pheromone when we saw him. Nanlaki ang mga mata ko, when realization hit me.

Nagmamadali akong pumasok sa loob, and went into Yuichiro's secret room. And when I am already inside, Yuichiro's scent mixed with Adrian's scent filled my nose. Their scent enveloped the whole room, I can also see Yuichiro's clothes everywhere.

Nanghihinang napasandal ako kay Ritsuki na kakarating lang, nang makita ko ang mantya ng dugo sa puting sapin ng kama ni Yuichiro. He took Adrian's first heat and virginity.

    "Hey!, what's happening to you?" Napalingon ako kay Ritsuki at nakitang ang nag-aalala nitong tingin.

Pero nabaling ang tingin ko sa direksyon ng banyo nang marinig ko itong bumukas. At lumabas doon si Yuichiro na bagong ligo, pero napatingin ako sa kamay niya na may sugat at bahid ng dugo.

    "What happened on your hand?" Tanong ni Ritsuki. Napatulala ako sa kaniya nang tumingin ito sa amin ng malungkot. W-why?

    "I punched the mirror" sabi niya, kaya nagtatatakbong pumunta si Ritsuki sa banyo.

    "Sh*t!, there's so much blood!" Rinig kong sigaw ni Ritsuki mula sa loob pero kay Yuichiro lang ang tingin ko.

    "What is Adrian doing here?" Tanong ko, kahit alam ko na ang sagot pero gusto ko sa kaniya mismo manggaling.

I can see him flinched when he hear me mention Adrian's name.

    "Why are you asking if you already know?" Sagot nito sa akin. Napabuntong hininga ako, naramdaman ko namang lumapit sa akin si Ritsuki. Siguro nararamdaman niyang naiirita ako sa kaharap ko.

    "Why is Adrian crying when we saw him earlier?" Tanong ko pero naroon na ang inis sa boses ko.

    "I-i rejected him" he said, and I can feel my blood boil.

     "After what happened between us, he confessed and I rejected him" Mas malinaw na paliwanag niya.

Magsasalita sana ako kaso napunta ang atensiyon ko sa kaliwang dibdib niya nang parang may napasin akong itim na tinta roon. Pilit kong inaninag ito, ganun nalang ang pagpupuyos ko nang mabasa kung ano man ang nakasulat doon kaya sinugod ko siya ng suntok.

I don't f*cking care if he is an Alpha or have a higher rank than me. He hurt my little brother, he hurt Adrian. He f*cking hurt that sweet boy.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now