Chapter 34 (The Man Behind The Mask)

6.2K 319 14
                                    

Adrian's POV

Nanatili lang akong nakatingin sa taong nagsalita na nasa harapan ko na ngayon. He is wearing a white mask while smiling at me.

The guy who stole my first kiss!.

    "Hi" bati nito, napaiwas naman ako ng tingin. Sumandal ako sa puno bago siya ulit tinignan.

    "Hello, Mr. Kiss Stealer" balik ko rito habang may suot na ngisi sa mga labi ko. Nakita kong napangisi rin ito, pinagkrus ko ang mga braso habang nakasandal pa rin sa katawan ng puno.

    "Oh, you still remember me" he said while amusement is written all over his face. I mentally rolled my eyes because of what he said.

    "How can I forget the guy who stole a kiss from me" sabi ko, dahilan para matawa siya pero nandoon pa rin ang mangha sa mukha niya.

Mas lumapit pa ito sa akin hanggang sa dalawang dangkal nalang ang layo niya sa akin. Mas lalo kong nakita ang kabuuan niya, nakasuot ito ng hawaiian style polo. Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya, nakita ko ang kulay abo nitong mga mata na katulad sa Fated Pair ko at kahit nakasuot ito ng maskara masasabi kong magandang lalaki ito.

    "What are you doing here?, you might catch a cold" tanong nito habang hindi inaalis ang tingin nito sa akin. At dahil sa sinabi niya doon ko lang naramdaman ang lamig kaya napahaplos ako sa magkabilang braso ko.

Narinig ko naman na bumuntong hininga ito hanggang sa makaramdam ako ng init. Kaya napatingin ako sa balikat ko na may nakapatong nang itim na jacket. Saan ito galing?, wala naman akong nakita na may dala siya.

    "Dinala lang ako ng mga paa ko rito" rason ko, narinig ko itong tumawa. Ang ganda kasi ng rason ko eh.

    "That's all?" Tanong niya habang mahina na tumatawa. Umiling naman ako bilang sagot.

    "Binabalikan ko lang kung ano ang mga nangyari sa lugar na ito" mahina kong sabi pero alam kung narinig niya iyon dahil napatigil siya sa pagtawa at seryosong napatingin sa akin.

    "Is it because I kissed you here?" Napatingin ako rito at may nakakalokong ngisi na ito sa mga labi. It is my turn now to laugh, he is so funny.

    "Not that" natatawa kong sagot. Tumigil naman ako at malungkot na napatingala sa punong sinasandalan ko.

    "Memories of me, when I first met that someone in this place" sabi ko, at tinignan uli ang taong nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba na nakita kong parang may bumalatay na lungkot sa mga mata niya o hindi. Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko at nagpamulsa. From what I see right now, he looks like a model.

Hanggang sa may mapagtanto ako sa kaniya na lalong nagpalungkot sa akin. It is just a coincidence that he has the same scent, voice and ash color eyes of President Yuichiro?

    "You know?" Paninimula ko at napatingin siya sa akin.

    "I don't" nataww nalang ako at napairap ng mga mata dahil sa isinagot nito. Maski ito ay natawa rin.

    "You really remind me of someone I know" pagpapatuloy ko, nakita kong parang natigilan ito at napaiwas sa akin ng tingin. He is really acting weird towards me.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now