Chapter 18 (Bonding with Fujiwara Brothers)

6.3K 355 36
                                    

Adrian's POV

Laking pasasalamat ko nang marinig ang kalimbang ng kampana, na nangangahulugang tapos na ang oras ng tanghalian at simula na ng panghapon klase namin.

Dahan dahan kong inalis si Aiko mula sa pagkakakandong sa akin at maingat na iniupo sa pagitan namin ni President Yuichiro. Matapos kung gawin iyon, tumayo na ako mula sa pagkakaupo dahilan para mapatingin sa akin ang mga kasama ko sa table.

    "U-um g-guys, mauuna na ako sa room ah. Nakalimutan ko may kailangan pa pala akong gawin eh" nauutal kong pagpapaalam at nagkakamot ng batok.

Gusto ko na talagang umalis dito, huhuhu. Nakakailang ang titig ni President Yuichiro.

    "Ha?, wala nama-------" sabi ni Jade pero sumabat na agad ako.

    "Sige, babye na Aiko" Kumaway muna ako sa bata bago kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria.

Naghahabol naman ako hinga dahil sa ginawa kong takbo pagdating ng room. Pumasok na ako na nakaagaw ng pansin ng mga kaklase ko.

Ngumiti lang ako sa kanilang lahat, bago pumunta sa puwesto ko at umupo.

Hanggang sa dumating na ang mga kaibigan ko kasabay ng aming guro. Hindi ko na sila mga pinansin kasi alam kong tutuksuhin lang nila ako.

Hanggang sa natapos na ang klase namin sa hapon.

    "Uyy, ikaw hah. Naiilang ka ba sa amin?" Aalis na sana ako nang harangan ni Jade ang daraanan ko. Sumunod din ang apat.

    "H-hindi a-ah" sagot ko at nag-iwas sa kanila ng tingin. Kita ko naman ang mga pagngisi nila sa pheriperal vision ko.

At may mga kahulugan ang ngising iyon, kaya hindi ko maiwasan na hindi pamulahan ng mukha.

    "Guys, may naghahanap kay Adrian" sigaw ng isa naming kaklase kaya napunta ang atensiyon namin sa bandang pintuan.

At ganun nalang ang panlalaki ng mata at pamumula ko nang makita na nakasandal doon si President Yuichiro habang nakapamulsa at nakatingin sa amin, hindi sa akin. Nasa tabi naman niya si Aiko na nakangiting kumaway sa akin.

    "Adrian-nii" tawag ni Aiko habang papalapit sa pwesto naming magkakaibigan.

Napatingin naman ako kina Jade, at napayuko nalang ako dahil mga nanunukso ang mata nilang nakatingin sa akin at suot pa rin ang isang ngisi sa kanilang mga labi.

    "Bakit ka nandito Aiko?" Tanong ko ng makalapit ito sa akin at hinaplos ko ang buhok niya.

    "I just want to have a bonding with you today, and Kaito-nii agreed, but he will join us" Nakangiti nitong ani at nilingon ang kuya niyang papalapit na sa amin.

    "So shall we?" Tanong nito pagkalapit. Isang tango lang ang isinagot ko.

Kaya nilingon ko na ang mga kaibigan ko para magpaalam, pero mga nakathumbs up sila sa akin pagkalingon ko.

    "Hehehe, Go Ahead. Don't Mind Us" ani ni April at ginagalaw pa ang mga kamay na parang nantataboy. Kaya tumango nalang ulit ako, nagsimula na kaming maglakad palabas ng room. Nang biglang sumigaw si Lance At Nicole.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now