Chapter 52:

561 13 2
                                    


Addison's

["Hello? Who's this?"]

Napakunot ang noo 'ko sa narinig 'kong malalim na boses.

"Excuse me? Ako yata ang dapat magtanong niyan? You're the one who called me."

["Sorry miss, may ginagawa ako ngayon, mamaya ka nalang tumawag bye."] sabi pa nito sabay baba ng telepono.

Napa-nganga naman ako at napatingin sa number ng phone, who the heck is this?!

Habang nakatingin sa phone ay nagtaka ako dahil tumawag nanaman ang caller na iyon, agad 'ko naman itong sinagot uli.

"He--"

["Miss, huwag kang makulit. Ang sabi 'ko busy ako ngayon, mamaya ka nalang kako tumawag."] sabi pa nito sabay patay na naman ng tawag, pucha.

Papatayin 'ko na sana ang phone nang tumawag na naman ito.

"Is this scam or what? Ipapapulis kita!" mataray na bungad 'ko.

Napahinto naman ako nang makarinig ng tawa, "You're annoying! I will end this fucking call." inis na sabi 'ko.

"Wait! Haha Addison! Si Michael 'to." tawang tawa pa na sabi niya.

Nanlaki naman ang mata 'ko nang magpakilala ito, hindi 'ko nakilala ang boses niya!

["Nasa Pinas ka na diba? Pupunta ako riyan sa bahay niyo bukas, punta tayo sa restaurant 'ko."]

Napangiti naman ako at agad na naexcite, so natupad ang pangarap niyang maging chef? His parents wants him to be a doctor before kaya't nagstem ito, mabuti naman at naging chef at owner na siya ng restaurant ngayon.

"Wait! I have my food and travel vlogger cousin here. Pwede ko ba siyang isama? She can do taste test or promote your restaurant."

["Ayos pala e."] he chuckled.

"Teka nga! Ba't ang manly na ng boses mo? Hindi ka na bakla?" pangasar na sabi 'ko.

["Half half I guess? I don't know!"] tawang tawa na sabi nito.

Nagkwentuhan pa kami saglit ni Michael bago 'ko ibaba ang tawag. Nang matapos ang tawagan namin ay tinext 'ko kay Michael ang number ni Sylvia. Sinabihan ko rin naman si Sylvia about do'n kaya't naexcite siya.

Kinabukasan ay nagsuot ako ng itim na halter top na may katernong mini skirt. Napatingin naman ako kay Sylvia na nagiintro na para sa vlog niya. Bandang hapon kami inimbita ni Michael sa resto niya dahil icoclose niya ang restaurant niya sa hapon para solo namin.

By the way, Sylvia is now a model and a famous vlogger, she has a thousands of subscribers. Well, she is beautiful and her vlogs are entertaining!

Nang marinig ang pagbusina ay agad naming kinuha ang bag namin at bumaba na, napangiti ako nang makita si Michael. Wow, hindi mo mahahalata na bakla siya. He is damn hot now. Malapad ang balikat at mukhang nagwowork out siya.

Naramdaman 'ko naman ang pagtahimik ni Sylvia sa tabi 'ko kaya't natawa ako.

"Addison." nakangiting sabi nito bago tumingin sa kasama 'ko, I saw him stared longer at Sylvia kaya't napangiti ako ng palihim.

Pagkarating sa restaurant ay agad akong namangha, I love the design of his restaurant. Pumwesto ako sa kabilang lamesa habang pinapanood sila Sylvia na nagfifilm. Nang matapos ay napagdesisyunan 'ko munang lumabas. Mga ala-sais na rin siguro.

Napatagal kasi ang kwentuhan namin ni Michael, si Sylvia naman ay vinideohan pa si Michael magluto, pero 'di pinakita ang mga ingredients bali clip by clip lang daw.

Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon