Chapter 18:

631 19 0
                                    


Addison's pov


"Uy baka binubudol budol mo lang kami ah." natatawang bulong ni Solaira sa'kin,




Paano ba naman kasi ay nakasalubong namin sila Dayle kani-kanila lang at hindi man lang niya ako tinapunan ng ngiti!! Baka akalain tuloy nila na nag-iilusyon lang ako tungkol sa sinabi ko nung nakaraang araw. Napabuntong hininga ako sabay paalam kanila Solaira. Pagkaalam ay mabilis akong tumakbo papunta sa Blakers na hindi pa nakakalayo.



"Dayle!!" masayang tawag ko rito,



Napahinto sila sa paglalakad at nginitian pa ako ng ibang members ng Blakers at sila Bryan naman ay kinamusta pa ako, "Uhm, may sasabihin lang ako kay Dayle." nakangiting sabi ko sakanila.



Tumango sila at naglakad na uli. Naiwan naman si Dayle na nakatingin sa'kin at tila inaantay ang sasabihin 'ko,



"Uhm...cake?" masayang sabi 'ko sabay abot ng tupperware, tiningnan niya ito bago kunin. "Thanks." maikling sabi pa niya.



Dumaan ang ilang minuto at tahimik lang kaming dalawa, walang nagsasalita at walang kumikibo.



"Uhm--"



"Addison!! Daylee!!" masayang sigaw ni Natalia sa'min nang makita kami, napatingin naman ako kay Natalia at medyo nagulat pa nang yakapin ako nito.



"You're so pretty nung Senior's Ball Addison!! Idol na kita." natatawang sabi nito pagkakalas ng yakapan namin.



"T-thank you, ikaw rin naman." nahihiyang sabi 'ko, natawa ito sakin "Siyempre!!" she giggled before looking at Dayle.



"Dayle, galaw galaw din uy." natatawang sabi nito sabay hampas sa balikat ni Dayle, napatingin naman ako kay Dayle nang bumuntong hininga ito.



"Sige mauuna na ako, see you when I see you Addison!!" magiliw na sabi pa ni Natalia bago ako halikan sa pisngi.



Pagkaalis ni Natalia ay napatingin ako kay Dayle at ngumiti, "Kainin mo yan ah." natatawang sabi 'ko, he slightly nodded at me.


"Sige nga sample." natatawang sabi 'ko. May plastic fork kasi sa tupperware kaya't malakas ang loob 'ko.



Napatigil ako nang makitang binuksan niya ito at nagtusok ng cake sabay kain. "Okay na?" sabi pa nito pagkalunok ng cake, napangiti naman ako sabay punas sa labi niya dahil may natirang cake riro.



"Very good." natatawang sabi 'ko bago magpaalam.



Natapos ang mga ilang araw na patuloy na ako sa pangungulit kay Dayle, palagi na rin akong nagdadala ng cake at tuwang tuwa naman ang Blakers, palagi nila kaming inaaya sa table nila. Nakaclose ko na rin si Natalia, she's funny and cute!! May pagkamaarte nga lang siya pero atleast she's true. Napag-alaman ko rin na gustong gusto niya si Chino.



"Oy nakatulala ka riyan Addie?" natatawang sabi ni Solaira sa'kin.



"Uyy iniisip si cap!!" pangaasar pa ni Bryan kaya't napairap ako.



"Grabe Addison!! Kahit nasa harap mo na si cap ay napapatulala ka at naiisip siya. Iba talaga ang charms ni pareng Dayle." natatawa pang gatong ni Klint.



Nandito kami sa may cafiteria at kumakain, kakaalis lang ni Natalia dahil may kailangan daw siyang gawin. Nakaclose na rin ni Natalia sila Karina kaya maayos na ang lahat.



Nang mapatingin kay Dayle ay nakatingin ito sa'kin at nagtataka kung anong iniisip 'ko. Napangiti lang ako sakaniya.



Natapos ang mga araw at eto bakasyon na. Nakatambay lang ako sa bahay. Sa lunes na nga pala ang start ng pagtulong at pagtrabaho ko sa coffee shop, nakakaexcite!! Nangako talaga ako sa sarili ko na ililibre ko sila mom pag nagkapera na ako ng mula sa'kin.



Nang mabored na talaga ako ay inilabas ko ang phone 'ko at binalak na kulitin nanaman si Dayle, syempre i'm born to annoy him yata.



Gulat naman akong napatingin sa news feed ng ig ko!! At loko, Dayle posted a picture. It's the first time he posted his picture in his ig. Kadalasan kasi ay puro picture ng mga view ng pinupuntahan niyang lugar ang pinoppsy niya. Napatingin ako sa picture, nasa beach siya at nakasuot siya white button down shirt at nakashades. Putek ang gwapo.



At dahil malantod ako ay agad akong pumunta sa comment section at nagcomment ng 'that's my bb ;)'




Napangiti naman ako nang makita ang,

daylesalveo liked your comment





Mas lalo naman akong napangiti nang makita ang reply niya. Omg!! He replied!! Napatawa ako nang makita na 'i'm not a duck.' Dahil sa gusto ko siyang makachat ay agad akong nagpunta sa mga dms at agad na nagdm sakaniya.




addisonbarto: you're not my bb? Okay i will delete my comment :((




Hindi ko alam kung macricringe ako o ano sa message ko sakaniya eh!! Gusto ko na tuloy tanggalin kaso walang remove button dito sa ig. Napatigil lang ako nang makita ang reply niya.




daylesalveo: don't delete your comment.

addisonbarto: hmm why is that?




Napanguso ako nang lumipas na ang ilang minuto at 'di pa rin siya nagrereply. Naseen niya na eh! Ba't di pa siya nagrereply?




addisonbarto: by the way you look good in that pic.

daylesalveo: thanks.

addisonbarto: binata na.....pwede na magasawa ;)

daylesalveo: lol

addisonbarto: ano pa inaantay mo? propose ka na sa'kin, ikaw nalang inaantay 'ko eh nakaready na ang simbahan.





daylesalveo: will you marry me?




Rudely YoursWhere stories live. Discover now