Chapter 39:

457 14 0
                                    

Addison's

"That was embarassing Addie!!!" tawang tawa na sabi ni Solaira, napairap naman ako.

"Ano ginawa ni Dayle?" tanong ni Karina.

"He helped me then hugged me." kinikilig na sabi 'ko.

Agad naman akong hinampas ni Solaira sa kilig habang si Maris ay ngiting ngiti. Si Karina naman ay nakatingin lang sa'kin sabay tipid na ngiti.

"Uhm, magtatime na girls, tara na." sabi ni Karina sabay pagpag ng palda.

Nasa garden kami ngayon at tumambay. Nakasalampak kami sa damuhan habang lumalanghap ng simoy ng hangin. Napagdesisyunan na naming tumayo dahil tama nga naman si Karina at magtatime na.

Pagkarating sa room ay nginitian ako ni Michael, ako naman ay nginitian din siya sabay upo, sakto naman ay tumunog ang bell at pumasok ang teacher namin.

Nagklase si maam at ako naman ay taimtim na nakikinig. Napatingin ako sa isang gawi at natawa nang makitang nakadukdok si Zein at natutulog, loko talaga 'to.

"Okay class, since we are on our double period, after lunch nalang magrereport ha. Miss Bartolomeu, I hope your powerpoint is ready."

Agad na nanlaki ang mata 'ko nang marinig ang sinabi ni maam. Oh my gosh, wala pa akong powerpoint!! I forgot!

Pagkabell ay agad agad akong tumayo at pupunta sana nang library nang makita si Dayle na nag-aantay sa may labas ng classroom, he smiled when he saw me.

"Uy!!" I said then tapped his shoulders.

"Hey." he chuckled.

"Mauna ka na at sumabay kay Zein pumuntang canteen, 'di ako maglalunch." nagmamadaling sabi 'ko, I saw his brows furrowed.

"Why?"

"Gagawa ako ng powerpoint at magreresearch sa library!! Ay pucha oo nga pala, wala akong dala na flashdrive at laptop!!" naiiyak na sabi 'ko.

"Wait, I brought my laptop." he said then went inside his classroom.

Pagkalabas ni Dayle ay may dala itong laptop at flashdrive, I smiled and hugged him.

"Thank you love!! Kain ka na." I said before walking.

Napakunot naman ang noo 'ko nang makita itong kaswal na sumusunod sa'king maglakad. His hands are on his pockets.

"Hoy! Ang sabi 'ko kumain ka na." taas kilay na sabi 'ko.

"Busog ako."

I glared at him because of what he said. Halatang gawa-gawa lang!! But he just get his laptop from me then continued walking.

"Dayle, napakakulit ng lahi mo 'no?" mataray na sabi 'ko. He just shrugged.

I just sighed then continued walking. Walang makakatalo kay Dayle sa pagiging ganito.

Nang makarating ay agad akong kumuha ng libro tungkol sa irereport 'ko. Nang makakita ng libro ay agad ko itong tinype sa Powerpoint, napatingin ako kay Dayle na nakikibasa sa binabasa 'ko.

"Study your topic, I will do your powerpoint." he said.

Ako naman ay napatitig sakaniya, I can see his sincerity through his eyes.

Este hombre!!! (This man!!!)

Agad naman akong pumayag dahil para mapadali. Balak 'ko sanang bilisan para makakain kami ni Dayle kahit kaunti. He captured a page in my book, he said that he will delete it afterwards so it's not plagiarism.

Natapos ang ilang minuto at nakita 'kong tinatransfer na niya ito sa flashdrive. Ako naman ay natapos na ring magbasa. Pagkatapos ay kinuha ni Dayle ang mga libro at siya ang nagbalik nito sa lalagyan.

"We still have 20 minutes. Let's eat." he said when he went back to our table.

"Okay." I smiled.

Kinuha ni Dayle ang lalagyan ng laptop at siya ang bumuhat nito. Sinuggest 'ko muna na ibalik niya ang laptop sa classroom dahil baka mabagsak ito kaso ayaw niya, kaunti lang daw ang oras.

Bumili lang kami ng tinapay at kinain ito habang pabalik sa classroom.

"Gracias y te quiero mucho" I smiled. (Thank you and I love you.)

He then smirked, "This is the first time I heard you speak spanish."

"Ni siquiera entiendes lo que estoy diciendo." I laughed. (You don't even understand what I'm saying.)

"Hey, you're not cursing on me right?" he laughed.

"Oye, no estoy maldiciendo, te estoy amando." (Hey, I'm not cursing, I'm loving you.)

"Tss, fine. Oo nalang." he said before rolling his eyes.

I just laughed. He's so cute.


----

Author's note:

The spanish words are from google translator. Kaya sa mga marunong magspanish diyan, tell me kung may mali or what. Thanks!

Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon