TBC 52

11.7K 160 4
                                    

TBC 52

ROSE'S POV

Isang linggo na ang nakakalipas. Back to normal na kami ni Ford. Isang linggo din siyang nagpaliban sa trabaho at ngayon ang unang araw ng pagbabalik niya.

At bilang asawa niya, hinanda ko na ang mga susuotin niya. Mula sapatos, medyas, slacks, polo, necktie at coat. Nakahanda na din ang almusal. Syempre ako ang nagluto. Feel na feel ko ang pagiging asawa.

"Bebe ko.. gising ka na. Male-late ka na." Pang gigising ko sa kanya ng masiguro na nakahanda na ang lahat at wala na akong nakalimutan.

Minulat niya ang kanyang mga mata at ng makita ako, agad siyang ngumuti. Hay, ang pogi talaga ng bebe ko. Lalo tuloy akong nai-inlove sa kanya.

"Okay na po ang breakfast." Sabi ko. "Okay na din ang susuotin mo. Tara na bebe ko. Baka ma-late ka pa sa kumpanya."

"Tch. I'm the boss. They don't care." Saka niya ako hinila pahiga sa kanyang dibdib. "Let us stay this way." Hinalikan niya ako sa aking sintido. "Good morning, bebe ko. And I love you.. Thank you for preparing my suit."

This is what I like about Ford. He may be harsh to other peropag dating sa akin, ang galang. Binabati ako sa umaga, sa gabi o kahit kelan niya gusto at laging nagpapasalamat kahit sa maliliit na bagay na ginagawa ko para sa kanya. And one more thing, he never failed to say how much he loves me.

"Aish! Bebe ko! Ang aga-aga kung makapag pakilig ka naman."

"Tss. Sinabi ko bang kiligin ka?"

"Heh! Ma-mimiss kita niyan eh."

Nasanay na kasi ako na magkasama kami buong araw pero simula ngayon, magkakaroon na ng pagbabago. Syempre kailangan niyang pumasok sa office. Gusto sana niya na mag stay na ako sa bahay pero pinilit ko siya na ituloy pa din ang pagta-trabaho sa sarili kong kumpanya kung saan kasyosyo ko si Mommy Faith. Naks, Mommy na. Hehe.

"Tss. Sa totoo lang bebe ko, tinatamad na nga akong pumasok sa office."

"Hala, hindi mo ugali ang tamarin. Hardworking ka kaya."

"There's one thing that can ease the laziness on me." Sabi niya sabay kindat.

Ikinalaki iyon ng mga mata ko. Mukhang alam ko na ang gustong palabasin ni Ford. Ano pa ba? Eh di mukhang gusto niyang mag make love kami.

"Gagawin mo na naman akong almusal, bebe ko. Nasasanay ka na."

"Tch. Ano bang nasa isip mo?"

"Ano pa ba? We'll make love. Sige na bebe ko, pumapayag na ako. Hehe. Gusto ko din naman—"

"HAHAHAHA! Damn bebe ko! You're being horny!"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kanyang dibdib at umupo. "Horny ka dyan! Ang bastos mo bebe ko!"

"Tss. Bebe ko, I'm not thinking 'bout sex. I just want you to come with me at the office para masipagan ako. Haha!"

Ang sarap ng tawa ng asawa ko. Pero ayun ba talaga ang tinutukoy niya? Gusto niya akong sumama sa office at hindi ang makipag make love sa akin? Aissshhhh! Nakakahiya naman kay Ford. Parang ako pa tuloy ang gustong-gusto na makipag ano.

"Tigilan mo ko bebe ko. Hindi ako pwedeng sumama sa office mo. Baka kailanganin ako ni Mommy Faith."

"Tch. She can manage. I'll talk to her na next week ka na lang papasok."

"Bebe ko! Ayoko. I have to work. Napag usapan na natin 'to."

"Fine. Tss."

Bumangon na siya at naligo. Hays. Mukhang na-badtrip. Na-appreciate ko naman kung gaano niya ako ka-gustong kasama. Kahit ako din naman kaso may mga responsibilidad kami.

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon