TBC 26

12.7K 233 3
                                    

TBC 26

ROSE'S POV

"BEBE KONG PINAKAMAMAHAL!!!!!! PAG HINDI KA HUMARAP, HINDI MO KO MAHAL!!!" Sigaw ko.

Agad nagsihinto ang mga tao sa paligid ng marinig ang sigaw ko. Lahat sila nakaabang sa mga susunod na mangyayari. Narinig ko pa ang bulungan ng iba na kesyo hindi daw haharap si Ford, kesyo asyumera daw ako, kesyo kung anu ano pa. Napanghinaan tuloy ako ng loob sa mga narinig ko. Natatakot ako na baka hindi siya humarap. In other words, hindi niya ako mahal. Halos kumawala na ang puso ko sa aking dibdib sa kaba.

Humarap at naglakad palapit sa akin si Ford. Nagulat ako sa ginawa niya. Isa lang ang ibig sabihin nito. He loves me. HE LOVES ME FOR REAL. Hindi niya ako binigo.

Nang makalapit na siya sa akin, kinurot niya ang aking ilong.. "Pasalamat ka, mahal kita." Saka ako hinawakan sa kamay at naglakad na kami.

Hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko. Everyone's looking at us with their mouth wide open! Sino bang hindi? Sa harap ng maraming tao, hindi nagmataas si Ford. At that is so yieee!

Hindi ko na talaga mapipigilan pa ang bugso ng aking damdamin kaya.. "Bebe ko.. mahal mo ko!"

"Yeah."

"Pero mahal mo talaga ako eh! Pa-hug nga bebe ko!" Saka siya niyakap. Ang saya ko talaga. Sa sobrang saya ko, napakanta pa tuloy ako nang.. "Mahal ako... ng bebe ko... mahal ako... ng bebe ko.. mahal ako.... ng bebe ko.." Binigyan ko ng masayang tono ang mahal ako ng bebe ko.

He laughed out loud. "Do you really have to sing that bebe ko? It sucks! I mean your voice, it sucks. Hahaha."

"Bebe ko! Hindi na importante ang boses, ang importante dito eh yung meaning." Paliwanag ko.

"Then what's the meaning of your song?"

"Mahal mo ko. Hihi."

"It's so obvious, bebe ko."

"Whatever." Then I sing mahal ako ng bebe ko once again.

---

Napakabilis ng panahon. Akalain mo, monthsary na namin ni Ford. Isang buwan na kami. Ang saya! Sa loob kasi ng isang buwan na pagsasama namin, hindi kami nagkaroon ng malalang pag aaway. Simpleng tampo lang sa simpleng dahilan lang din.

Sa loob ng isang buwan, napaka saya namin. We have the same routine. Susunduin niya ako, papasok sa school, pupuntang tbc theb ihahatid niya ako. Paulit ulit ganyan pero hindi nakakasawa. Araw araw iba't ibang kakwelahan ang naiisip namin. Sa bawat araw din, mas nakilala ko pa si Ford. Nalaman ko din na napaka lakas ng kiliti niya sa kili-kili.

Andito na ako sa loob ng tbc papunta sa villa ni Ford dala dala ang regalo ko na key chain ng iphone 6 niya. Napansin ko kasi halos lahat meron siya pero key chain, wala. Tsaka, yun lang din ang kaya ng budget ko.

Nakalimutan kaya ni Ford na monthsary namin? Pag gising ko kasi wala siyang text at hindi niya din ako tinawagan. Hindi naman namin napaguusapan ang tungkol sa monthsary. Hay! Basta, sosorpresahin ko na lang siya.

Ay teka, si Youseff ba yung nakikita ko? "Youseff!" Tawag ko.

Humarap siya at hindi ako nagkamali. "Hi Rose!"

Lumapit ako sa kanya. "Kamusta? Ngayon na lang tayo nagkita? Ang tagal mong nawala."

"Rose, hindi ako nawala. Sadyang hindi mo lang ako napapansin."

Bigla tuloy akong nailang sa sinabi niya. "S-Sorry."

"You don't have to. Nagpalipat ako ng section since it's kinda awkward having you and Ford as a classmate." Matipid niyang ngiti.

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon