TBC 18

16.4K 334 9
                                    

CHAPTER 18

"Anong ginagawa mo dito Ford?" Pagtatanong ko ulit. Pangalawang tanong ko na yan at hindi pa din siya nagsasalita.




Ambis na sumagot, he looked away. Anong problema nito?



"Ah Rose, baka sasama siya sa atin." Singit ni Youseff.



Ganun? Pero bakit? "'Kay, fine. Tara na!" Sabi ko na lang.



Pagdating sa pinaka kanto ng street ng UC, nagabang kami ng jeep at halos hindi maipinta yung mukha ni Ford. Parang ayaw niya sumakay na ewan. Haha. Kungsabagay, rich kid. Si Youseff naman, stay cool. Tila walang problema sa kanya.






Nang magpapara na ako ng jeep biglang nagsalita si Ford. "I b-brought my c-car."





Wuuuy. Mukhang nagpaparinig siya na dala niya yung kotse niya para hindi kami mag jeep. Maasar nga! "Anong gagawin namin sa kotse mo?"


"Tss!" Sagot niya.


Kitams? Ang pride diba? Tuturuan ko ng leksyon ang mokong na 'to.



"Brad, wala ka ding mapaparkingan dun." Sabi ni Youseff.




"Tss. I don't give a damn. Let's just ride on my car at iiwan ko na lang yung kahit saan! I have a lot of cars." Inis na sabi ni Ford.




I just rolled my eyes. Sino ba kasing nagsabi na sumama siya? But somehow, I like the idea being with him. I don't know why. Pero kung ano man ang rason niya sa pagsama, I feel happy.




Pero hindi ibig sabihin non, magiging mabait na ako sa kanya. Haha. "Youseff, hayaan mo na si Ford kung gusto niyang sumakay sa kotse niya. Basta tayo mag-ji-jeep. Kitakita na lang sa divisoria."




"Ha? Ah.. o-okay." Sagot ni Youseff.



Marahil hindi niya inaakala na sasabihin ko yun. Bwahaha. Tuturuan ko ng leksyon ang Ford na yan!



Nagpara na ako ng jeep at sumakay. Sumunod naman sa akin si Youseff.



"Fuck! W-Wait!" Sigaw ni Ford ng malapit ng umandar yung jeep kaya hindi na naituloy ng driver ang pagandar.




"ANO BA BOY? SASAKAY KA BA?" Sigaw ng driver kay Ford.




"Yeah.. I mean oo! Shit!" Tapos sumakay na siya. Tumabi siya kay Youseff habang ako kaharap nila.





"Sasakay din pala, ang daming satsat!" Pagpaparinig ko.

"Tss."


Halos 30 minutes lang ang tinagal ng byahe at nakarating na kami sa divisoria. Ang daming paninda at tao. Tyangge kung tyangge.



"Ano simulan na natin? Handa na ba kayo? Pinapaalala ko lang, mainit at magulo dito kaya kung may maikli ang pasensya dito, maiwan na lang dito at maghintay." Pagpapalala ko sa dalawang lalaki at syempre nagparinig din ako kay Ford.



"Tss. Mahaba ang pasensya ko!" Pagreact ni Ford.




Tinaasan ko siya ng kilay. "May sinabi ba akong ikaw yun?" Sabay tawa. "Hahaha. Uy, affected!" Tapos humarap ako kay Youseff. "Let's go!"




Oh wait!




O___O




'Tss. Mahaba ang pasensya ko!'




TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon