TBC 34

11.4K 210 7
                                    

TBC 34

ROSE'S POV

After six years..

It's good to be back. Nilasap ko ang malamig na hangin ng Pilipinas. Na-miss ko 'to. Matagal ko 'tong hinanap. Sa loob ng anim na taon, ni minsan hindi ako umuwi.

"Let's go, Rose."

"Yes, Tita Faith."

Si Tita Faith, mommy siya ni Ford. I've met her when I was in States. She was like a Mom to me. She treats me like her real daughter. Nag train ako sa US to be a wedding planner just like my Tita Yolli. Kumikita ako ng $50 per day equivalent to approximately 2k. So, meron akng 60k per month. Napaka laking tulong talaga ang nagawa para sa akin ni Tita Yolli.

Hindi ko alam kung nakatadhana ba talaga na makilala ko si Tita Faith. At first, I wasn't know na siya ang Mom ni Ford—my ex. Pero nung ipinakita niya ang picture ng kanyang mga anak which is Ate Fatima and Ford, dun ka na lang laman. Naikwento ko din sa kanya na naging kami ng anak niya. She was so disappointed na naghiwalay kami.

Well, naka-move on na ako. Alam ko yun sa aking sarili. It's been six years. Twenty-four years old na ako. Hindi na ako eighteen katulad noon na puro happiness and love lang ang alam. Sa totoo lang, two years akong nag luluksa sa nangyari sa amin. Gustong kong makipagbalikan. I almost regret my decision. I wanted to go back pero pinipigilan ako ni Tita Yolli. She told me that I should focus on my job and soon, I'll find someone else.

At hindi siya nagkamali. Nagkaroon ako ng tatlong boyfriend. Tumagal lang ng isang taon ang pinakahuli kong naging boyfriend. Well, kami nga ni Ford, dalawang buwan lang. Natuto na ako sa naging relasyon ko with him. Hindi ko na ibinibigay yung hundred percent ng love ko. Hundred one percent na lang, joke.

Nakasakay na kami ng kotse ng magsalita si Tita Faith. "Gusto mo bang dumaan muna sa bahay namin?"

"No, Tita. Excited na po akong makita ang pinatayo kong bahay."

Oo, dahil sa kinita ko sa States, pinagpatayo ko ng bahay si Tita Yony—ang nagpalaki sa akin.

"Oh, I thought you don't want to see my son."

"Tita, kahit makita ko po siya, I feel nothing. Lalo na po at ikakasal na siya."

Oo, ikakasal na si Ford. Hindi ko alam kung kanino. Wala din naman akong karapatan para tanungin pa.

"Really? Then, I want you to be their wedding planner. Gusto ko ng the best sa aking anak."

"You really know that I'm good, Tita? Kaya love kita eh!"

Wala naman sa akin kahit ako pa ang maging wedding planner ng kasal ni Ford. Like what I've said. Naka-move on na ako.

"I'm excited to be with my, son."

Last two years, nag kaayos na si Tita Faith at si Ford. But she stayed in States, hindi ko alam kung bakit. And we go back here kasi magkasyosyo kami sa negosyo dito. We made our own wedding planning company. Si Tita Yolli nag paiwan sa US dahil nagkaroon siya ng asawang Amerikano.

"Tita, I hope tuloy-tuloy na ang magandang relasyon niyo ni Ford."

Napag alaman ko na nagbagong buhay si Tita Faith sa US. Saka kaya lang pala siya naging ganun noon—yung nag uuwi ng iba't-ibang lalaki ay dahil napagsamantalahan pala siya ng Daddy ni Ford. Pero alam ni Tita Faith na sobrang mahal siya nito ngunit she doesn't feel the same way kaya nagrebelde siya. Pinagsisihan niya yun ng mahabang panahon. But now everything's fine.

"Sana makatagpo ka na din ng lalaking para sayo."

"Naku Tita, madali lang yan. Ang ganda ko kaya." Biro ko. "Wait, Tita. Bababa na po ako dito. Magta-taxi na lang ako."

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon