TBC 36

11K 190 2
                                    

TBC 36

ROSE'S POV

"ROSE! ROSE! FUCK! WAIT FOR ME!" Sigaw ni Ford habang sinusundan ako palabas ng mall. Hindi ko pa naman dinala ang sasakyan ko. "ROSE! DAMN IT!"

Hindi ko siya pinapansin. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo pati yung luha ko, patuloy din sa pag patak.

"Fuck, Rose." Sabi ni Ford ng maabutan niya ako at agad hawakan sa aking braso. Hinarap niya ako. "Ano ba Rose? Tatakas ka na naman?!"

"Is it about six years ago again, Ford? Ha?"

"Tangina!!"

"Oo, Ford tangina! Dyan ka magaling, ang magmura! Hindi ko alam kung bakit dyan!" Saka ko dinuro ang puso niya. "Dyan sa puso mo hindi mo kayang makalimot!"

"Because you hurt me!"

"Bakit ikaw, hindi mo ba ako sinaktan? Nasaktan din ako!"

"Atleast, I never leave you."

"Nakaraan na yon! Six years na ang nakakalipas at ganyan ka pa din. Akala ko ba wala na sayo ang lahat? Akala ko ba okay ka na?"

Ako din.. akala ko wala na sa akin ang lahat.. akala ko okay na sa akin.. pero nanariwa pa din ang sakit eh.. siguro.. hindi pa nga ako nakaka-moved on.

"Rose.. ganun na lang ba kadali sayo ang lahat?"

Hindi. Hindi ganun kadali ang lahat sa akin. Naramdaman ko na namang tumulo ang mga luha ko. "Tama na, Ford. Let's not talk about it." Sabi ko at tumalikod na pero pinigilan naman niya ako. "Ano ba?! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!"

"I DON'T GIVE A DAMN! Naranasan ko na yan ng iwan mo ko.." He looks frustrates. "Halos magmakaawa ako sayo pero parang wala kang puso.. tangina! Lumuhod ako! Umiyak ako! Pero wala akong narinig na kahit anong salita sayo! Tapos mahihiya pa ako sa mga tao ngayon?"

Nasaktan ako sinabi niya. Naalala ko ang nangyari sa airport ng paalis ako. God knows how I wanted to hug him that time.. God knows.. Pero mas pinili kong hindi gawin..

"Ano bang gusto mo para tumigil ka na?"

"I want to know why.. why did you leave me.."

"Dahil ayoko na. Ayoko na sayo! Ayoko na sa relasyon na meron tayo! Ayoko na! Ayoko! Masaya ka na? Alam mo na? Tatantanan mo na ako ha?"

"Fuck! Hindi mo ba ako minamahal?"

"Hindi. Kaya kalimutan na natin ang nakaraan. Tandaan mo na.." Parang nadudurog yung puso ko..  "Ikakasal ka na."

Hindi niya alam kung gaano ko siya minahal. Nung umalis ako parang nawalan na din ako ng ganang mabuhay and now that I thought I'm okay, now that I try to be okay, bakit.. bakit bumabalik na naman ang sakit? Could it be that I never really moved on?

Pumasok ako sa opisina ng namamaga ang aking mga mata. Nakasalubong ko si Tita Faith.

"Hi, anak." She used to call me anak. "Mataas pa ba ang araw at naka-shades ka?"

"Eh kasi po.."

Nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang shades ko sa aking mga mata. "Iha, what happened to you? Were you cying the whole night?"

"T-Tita.."

"Let's talk to my office."

Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Magkasyosyo kami sa kumpanya pero nirerespeto ko pa din siya as my third Mom next to my Tita Yony.

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon