TBC 20

17.4K 384 17
                                    

TBC 20

ROSE'S POV

Tok.. tok..

Nasa kwarto ako ngayon dito sa bahay nila tita matapos akong ihatid ni Doc James Chrysler.

Tok.. tok..

"Bukas po." Sagot ko sa kung sino man ang kumakatok.

Bumukas ang pinto at si tita ang pumasok. "Kain na, Rose. Oh gusto mong ipaghatid na lang kita ng makakain mo?" Nag aalalang tanong ni tita sa akin.

"Mamaya na po ako kakain, tita. Busog pa din po ako. May wheel chair naman po ako para kung sakaling lalabas po ako ng kwarto." Sagot ko.

"Oh sige. Basta tawagin mo na lang ako ha? Magpahinga ka na muna."

Tumango na lang ako at nagtaklob ulit ng kumot.

"How could I like someone who talks a lot? Who's as careless as her? Who's not pretty like her?"

"How could I like someone who talks a lot? Who's as careless as her? Who's not pretty like her?"

"How could I like someone who talks a lot? Who's as careless as her? Who's not pretty like her?"

"Err." Halos pukpokin ko na ang ulo ko mahinto lang sa pag alala sa mga sinabing iyon ni Ford sa akin.

Bakit ang sakit? Ang sakit nang maranig ko ang mga katagang yun. Naaalala ko pa ang reaksyon niya. Kita ko ang galit sa kanyang mga mukha.

*FLASHBACK*

Nakisuyo si Ford kay Doc James Chrysler kung maaari ba niya akong ihatid. Labag man sa loob ko na pumayag, wala na akong nagawa. Nakasakay ako sa wheel chair at si doc ang nagtutulak. Masyado pa kasing mahapdi ang sugat sa talampakan ko gawa ng bubod na natapakan ko kaya hindi ko pa kaya maglakad.

"Doc, baka nakakaabala ata ako sayo. Mag-tataxi na lang ako. I'll be fine." Sabi ko.

"No. I'll take you home."

Napabuntong hininga na lang ako nang bigla akong may maalala. "Wait doc. Pwede mo ba akong ibalik sa clinic? Nakalimutan ko yung bag ko."

"Oh sure. Let's go."

Nang makabalik na kami sa tapat ng clinic.

"What's the matter? Why did you stop?" Tanong ni Doc ng mapansin niyang huminto ako sa tapat ng pinto ambis na dirediretso itong buksan. "Do you feel something strange? C'mon, tell me—"

"Shhh.." Sabi ko sa kanya habang nakalapat ang aking hintuturo sa aking mga labi.

I heard Youseff and Ford's voice. They're fighting.

Do you like, Rose don't you?"

"H-How could I l-like someone who t-talks a lot? Who's as c-careless as h-her? Who's not p-pretty like h-her?"

"But you're acting like you like her a lot. Palalagpasin kita sa panununtok mo sa akin ngayon Ford pero once na akin na si Rose at magselos ka, magkalimutan na tayo."

"FUCK YOU! I D-DON'T LIKE THAT ROSE?!!!  I HATE HER!"

Yun ang huling salitang narinig ko at bigla ng bumukas ang pinto. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Ford. Puno din ito ng galit. Baka dahil suklam na suklam na siya sa akin. Hindi ko alam kung magpapanggap ba akong walang narinig pero ang hirap eh, ang hirap itago lalo na at aminado akong nasaktan ako.

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon