TBC 14

15.5K 326 13
                                    

CHAPTER 14

ROSE'S POV

"For our props we'll have 1000." sabi ng leader namin.

Kasalukuyan kaming nasa room. Kakatapos lang ng last subject namin at pinaguusapan namin ang project namin which is a play.

"1000?" tanong ko saka binilang kaming lahat ng members. Sampu kaming lahat. Bale 1000 divided by 10 equals 100. Tama! "Hm, bale tig iisang daan tayo sa props?"

"Huh?!" Sabay sabay na sigaw nila.

Makareact? "Bakit mali ba yung pagkakacompute ko? 1000 divi--"

"No, Rose. In fact, tama nga eh pero mukhang hindi tayo nagkaintindihan. 1000 pesos each person. Para sa props pa lang yun. Then another 1000 pesos para sa costume and then 500 pesos for the sound system." sabi nung leader.

O___O

What? For real? 1000 plus 1000 plus 500 equals 2500. Galing ko talaga sa math ah este ang mahal! OVER!

"Any problem?" Tanong ulit niya.

"Isn't that too cheap? Maybe magkulang us to other props what if 1500 each na lang for the props?" Suggestion ng isa sa mga kaklase ko.

Naku, hindi ako papayag. 2500 nga lang sobrang bigat na sa bulsa ko tapos 3000 pa kaya?! Saksakin na lang kaya nila ako? "Eh..." Teka, pano ko kaya sasabihin na wag ng dagdagan yung ambagan namin? Ah, alam ko na. "Siguro tsaka na lang tayo mag ambagan ulit kung sigurado na tayong kulang yung props natin."

"Fine. Well, bukas kailangan ko na yung pera, okay? Sige, na let's go home." Sabi nung leader at isa isa na silang nagsitayo at umalis habang ako inaayos pa ang aking mga gamit.

Bukas, magsasuggest ako na ako na lang ang mamimili ng mga kailangan para mapagkasya ko ang pera. Sa tingin ko kasi, sa mall sila mamimili eh mas mahal dun. Pag pumayag sila na ako na lang, sa divisoria na lang siguro. Mas mura.

Hay grabe, malalagasan na naman ako ng 2500. Buti na lang talaga at marami akong naitabi sa sahod ko kay Ford. Kaso pano pag ubos na? Pano na ak--

"Rose?"

Luminga linga ako kung sino ang tumawag sa akin.

O__O

"Stacy?" Oh, she's with Enrique, Prinz Max and Pch. Ford.

Hindi ko na siguro kailangan pang tanungin dahil obviously, dito sila sa UC nag aaral.

"Hi, Rose! Long time no see ah?" Bati sa akin ni Enrique.

I just smiled. Napatingin ako kay Ford na hindi man lang ako tinitignan at tuloy tuloy pa siya sa paglalakad. Parang hindi niya ako napapansin tila hindi ako nag eexist sa mundo niya.

Hays.

"Where are you going, Rose?" Tanong ni Prinz Max. "Oh, by the way, you are still as beautiful as before."

"Thanks. Pauwi na ako." Walang ganang sagot ko. Ewan ko ba pero parang na wala ako sa mood dahil sa inakto ni Ford.

"C'mon, girl. Sumabay ka na sa amin." Sabi ni Stacy.

TBC: FORD ALMAZANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon