Kabanata 28

5 1 0
                                    

Kabanata 28

Habol

"Hindi pwede."

Napatingin ang lahat dahil sa malakas na pagtutol ni Yago. Hinila siya ni Matteo pabalik at nagpabilog kami upang mag-usap ng mabuti.

"Dude matatalo tayo." Tarantang sagot ni Midnight.

"Hindi mo nga alam kung anong klaseng mga pagkain ang nandoon, kung ikaw sana ang kakain ipagtutulakan pa kita." inis na sagot ni Yago.

"Magpatalo na lang tayo." Sagot ni Matteo

"Bababa yung ranking natin." Malungkot na sagot ni Gabriela.

"Bakit kasi kailangan babae pa ang isali diyan." inis na sipa ni Midnight sa lupa.

Matapos ang mga antalang nangyari ay natuloy na rin sa wakas ang school fair at bilang bahagi ng tradisyon ng fair ay may contest para sa empleyado ng school. Faculty vs Non-Academic Teaching.

Kanina pa kami nagtatalo sa sulok kung sino ang isasali sa susunod na contest. Kami na lang dalawa ni Gabriela ang hindi pa naglalaro dahil kanina pa tutol ng tutol si Yago at Matteo sa mga palaro na sasalihan namin.

Nakatingin sa amin ang ibang teacher dahil ang tagal naming magdesisyon. Ang iba ay napapailing at napapakamot na lamang ng ulo. Nararamdaman kong naiinis na sila kay Yago dahil ang daming arte nito.

Nagkatinginan kami ni Gael at pilit na lamang akong napangiti dahil pakiramdam ko ay nagtatanong ang kanyang mga mata ng ano na, kaya niyo bang matapos mag-usap ngayon?

Ang palaro ngayon ay guest the food. Sa loob ng 2 minuto ang pinakamaraming makakain at mahuhulaan na pagkain ang mananalo. May mga nakatakip na container na nakahilera sa lamesa, kung anong nasa loob ay tanging sila lamang ang nakakaalam.

Hindi pwedeng si Gabriela ang isali dito dahil piling pili lamang ang kanyang pwedeng kainin dahil sa kalusugan nito. Kaya walang choice kung hindi ako ang isali.

Hindi ko rin sure kung kaya ko bang kaininin ang mga pagkain na nandoon pero ayokong maging dahilan ng pagkatalo.

Narinig ko na ang pagpito ng facilitator na hudyat na ng simula. Kung walang pupunta doon sa loob ng 10 segundo ay matatalo kami.

"I'll do it." Seryoso kong tingin dito.

"No Harp, magpatalo na lang tayo." Sagot ni Matteo

"Hindi pwede, nakikita niyo yung mga mata nila." Turo ko sa mga teacher na nasa malayo.

"Kailangan pa tayo nagkaroon ng pakialam?" tugon ni Matteo

"Mattt, kung tayo tayo lang ang maaapektuhan okay lang, pero hindi."

"Harp, hindi mo alam kung ano yung mga ipapakain sayo doon." Inis na sagot ni Yago

"Wag kayong mag-alala, kung hindi ko kaya hindi ko kakainin." Pagsisigurado ko rito. Napailing na lamang si Yago dahil alam niyang hindi ko naman gagawin ang sinabi ko.

"Magpapastand by na ako ng ambulansya." Binatukan naman ni Yago si Midnight.

Hinayaan ko na sila doon at pumunta na sa pwesto. Nakita kong nakahinga ng maluwag ang faculty ng makita nilang pumunta ako doon. Ngunit ang iba ang nagdududa ang itsura. Napaismid ako dahil di na nila kailangan ipamukha, ako rin nagdududa sa kakayahan ko.

Crucial game ito dahil kapag natalo kami ay sila na ang mananalo. Mas lalo akong kinabahan ng mapagtanto ko ito. Dapat kasi sa mga physical games na lang ako sumali, okay ng mapagod kaysa naman ganito.

Napatingin ako kay Demetri sa kabilang team. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan sa gagawin ko, ako din ay nag-aalinlangan dahil napakapili ko sa pagkain.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: May 30, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Echoes in a SparkDove le storie prendono vita. Scoprilo ora