Kabanata 11

4 1 0
                                    

Kabanata 11

Laugh.

Malapit ng matapos ang taon, pero hindi ko alam kung dapat pa ba akong manatili dito.

Habang tumatagal ay hindi ko na nagugustuhan ang mga lumilipas na araw ko rito.

Hindi yata pwede na maging masaya ka lang kahit isang araw man lamang.

Napatingin ako sa mga soccer player na nag eensayo sa oval. Pinagmasdan ko ng mabuti ang bawat maliliksing galaw ng kanilang katawan.

Sa pagkakaalam ko ay kami ang champion ng Junior at Senior High Division, marahil malapit na ulit ang tournament kaya puspusan na sila sa pagsasanay.

Itinukod ko ang aking mga braso sa bleacher na inuupan ko.

Nakakainggit sila, nakakamiss maging estudyante.

Parang dati midterms lang ang problema ko ngayon, mga tao na ang pinoproblema ko, mga taong wala naman akong pakialam sa kanilang mga buhay pero tila ako ang sentro ng kanilang past time.

Isang linggo na akong napapagalitan ng level leader ko.

Mga simpleng bagay pero pilit na pinapalaki.

Hindi ko alam kung malaki ba talaga ang problema niya sa akin o sadyang wala lang silang magawa at ako ang trip nilang magkakaibigan.

Una ay napagalitan ako dahil sa pinasulat kong letter sa mga estudyante.

I'm pretty sure if you're gonna ask a random person about it they will not find something wrong.

Perhaps, the only fault that I can see there is when they started to cry.

Hindi ko naman sila gustong paiyakin but as If I can stop them from crying.

Kaya siguro naninibugho ang damdamin ng kaibigan ni Salome at nagsumbong sa kanya dahil nang ginagawa niya ang ginawa ko ay ni isang patak ng luha ay walang bumagsak para sa kanya.

Second is our Class t-shirt.

May nagreklamo daw na magulang tungkol doon.

Magrereklamo?

Liar.

Hindi ko sinasadya na marinig ko sila nila Charlotte, Kring at Cruzette na nag-uusap patungkol dito sa loob ng comfort room.

Hindi nila alam na nasa loob ako ng isa sa mga cubicle.

Narinig ko ang paninibugho ng damdamin ni Salome habang ikinukwento sa mga kaibigan kung paano ako nagustuhan ng mga estudyante.

Doon ko napatunayan na malaki ang issue sa akin ng babaeng ito at tila dinadamay pa ang mga kaibigan niya.

Wala siyang narinig sa akin habang sinasabi niya sa akin ang concern ng parents "daw" sa pagpapadala ko ng white t-shirt.

I gave her a poker face. But deep inside I wanted to give her a smirk and tell her how pathetic she is.

But I keep mum about it.

Ayoko siyang ipahiya sa sarili niyang kasinungalingan.

Muli akong napabuntong hininga ako at napatingin sa kalangitan.

Wala akong makausap. May klase ang mga kaibigan ko.

Pero inisip kong mabuti kung ikukwento ko pa ba yun sa kanila, baka pagsimulan lang nang hindi pagkakaunawaan.

Mas pipiliin kong maparito na lamang sa school field kaysa manatili ako sa faculty room at tiisin ang mga non biodegrable na tao doon.

1 year na lang and I cannot wait to leave this school.

Echoes in a SparkWhere stories live. Discover now