Kabanata 14

5 1 0
                                    

Kabanata 14

K-Drama

Naglalakad ako sa corridor ng mapahinto ako sandali ng maramdaman kong nanginginig ang aking buong katawan dahil sa kumikirot kong puson. Napangiwi ako ng muli itong sumakit.

It's the time of the month again when I need to suffer from my dysmenorrhea. Maybe I ate something sour that's why It's so painful right now.

I promise not to eat sour food again. I don't want this painful menstruation.

Napatingin ako sa aking relos at nakitang oras na para sa susunod kong klase. Huminga ako ng malalim at pilit na kinaya pa.

Binilisan ko ng maglakad kahit sobrang nanakit ang aking puson.

Hindi naman ako pwedeng mag pasub dahil sa dysmenorrhea. Baka sabihing ang arte arte ko.

This is the consequence of not drinking any painkillers. I don't drink painkillers because I don't want my body to get used to it.

If I can bear the pain, I'll bear it.

"Magandang hapon sa inyong lahat." bati ko sa mga mag-aaral matapos kong pumasok sa silid.

"Magandang hapon po teacher Harper!" masayang tugon ng mga ito.

Pilit ko silang binigyan ng masayang ngiti ngunit nabigo ako ng lalong sumakit ang aking puson. Napahawak ako sa lamesa at napangiwi.

"Teacher okay lang po kayo?" tanong ng isang bata.

"Oo ayos lang ako. It's just the time of the month again." Ngiti ko rito.

Mukhang naintindihan naman ng ilan sa kanila ang ibig kong sabihin. Pilit kong binalewala ang sakit na nararamdaman ko at nagsimula ng magturo.

Siguro sa susunod ay dapat na akong magbaon ng gamot. Para hindi ako namimilit sa sakit.

Ang hirap magkaroon habang nasa kalagitnaan ka ng trabaho. I merely forgot that I will have my period today. I usually don't care about the date of my period because basically I'm not doing anything that concerns the date of my period.

Habang nagsasagot ang mga bata ay bigla akong napaupo sa upuan dahil sa sobrang sakit.

"Teacher ayos pa rin po ba kayo?"

"Bakit po hindi na lang kayo pumunta sa clinic?"

Hindi ko sinasadyang pag-alalahanin sila ngunit bakas sa kanilang mukha ito.

"Hindi ko kayo pwedeng iwan, walang magbabantay sa inyo."

"Eh di teacher babantayan ko po sila. Punta ka na ng clinic." pagpupumilit ni Yena.

"Okay lang ako Yena, kaya ko pa. Uupo muna ako." Pangungumbinsi ko rito.

"Quiet na nga kayo, may sakit na nga si teacher ang ingay niyo pa." pagsusuway ni Yena.

Sa sobrang sakit ay hindi ko na naiwasan na mapaiyak at mapatungo sa lamesa. Dahil malamig sa loob ng silid ay lalong sumasakit ang puson ko. Nakadagdag pa rito ang pagsisimulang pagkahilo ko.

"Teacher punta na kayo ng clinic." Narinig kong sabi ng bata sa harapan ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at bumangon sa pagkakayuko.

"Pwedeng bang pakikuha na lang ako ng hot compress?" baka kaya pa ito ng hot compress.

Tumayo si Yena at siya na lamang ang nag volunteer na kumuha nito. Nakakahiya na naiistorbo ko sila dahil sa dinadamdam kong sakit.

Gusto ko mang pumunta sa clinic at humiga ay hindi pa pwede dahil may isa pa akong klase.

Ayoko mang maging palautos ngunit binigay ko sa presidente ng klase ang sagot upang itama nila ang kanilang mga sagot sa libro.

Echoes in a SparkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon