Kabanata 19

4 1 0
                                    

Kabanata 19

Hipon

"Shit ka Yago! Ang lamig!"

"Ayoko na!"

"Harp! Save me! Ayoko na Yago!"

Ang mga sigaw ni Gabriela ang bumulabog sa tahimik na talon. Para itong isda na nakawala sa lupa at nagwawala.

Tulad ko ay hindi maiwasang matawa ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Walang nagawa si Gabriela ng binuhat siya ni Yago papunta sa talon. Dinala siya nito sa pinakagitnang bahagi ng talon kung saan malapit ang bumabagsak na tubig mula sa bundok.

Narito kami ngayon sa Bomod-ok falls at sinusulit ang huling araw namin sa Sagada dahil mamaya ay tutulak na kami pabalik ng Maynila.

Sa apat na araw na pananalagi namin rito ay marami kaming nagawa. Maraming bata ang naturuan at natulungan namin pati na rin ang kanilang mga pamilya.

Sa pananalagi namin dito ay mas naappreciate ko ang simpleng pamumuhay. Ang simpleng kagalakan mula sa simpleng mga bagay.

Mas lalo kong namangha sa kagandahan ng Mountain Province dahil marami kaming napuntahan na hindi kadalasang napupuntahan kung ikaw ay turista lamang.

Sana ganito rin sa Maynila, ngunit nakalulungkot na iba ang pagpapahalaga ng mga tao roon.

"Ang lamig! Mommy ayoko na! Ahhhhh!" sigaw ni Gabriela!

"Talo ka pa ng aso namin hindi takot sa malamig na tubig!" winisikan ni Yago ng tubig dahilan upang lalo pa itong magwala sa galit.

"Wala akong pakialam sa aso niyo at sayo! I'm gonna kill you Yago Estenzo!" sinubukan nitong habulin si Yago pero dahil sa lamig ay hindi nito magawa.

Hindi normal na talon ang napuntahan namin. Sobrang lamig ng tubig kaya hindi ganoon karami ang naglalakas loob ng maligo.

Papalapit pa lamang sa talon ay mararamdaman mo na ang malakas na hangin na dulot ng tubig na bumabagsak mula sa itaas ng bundok.

This pristine and enchanting waterfall is really worth the wait. Malayo at nakakapagod ang patungo rito.

Humigit-kumulang isang oras ng matarik na paglalakad ang ginawa namin sa ilalim ng tirik na araw. Marami kaming nadaaanan na mga maliliit at malalaking rice terraces.

Pagkarating namin ay marami sa amin ang tumalon agad papuntang talon upang pawiin ang pagod na naramdaman ngunit mga nagsi-ahon ng malamig na tubig ang sumalubong sa kanila.

Naglakad ako patungo sa mataas na bahagi ng talon. Mula dito ay kita ang iba naming kasama na kanya kanyang paraan ng pag-aaliw sa kanilang sarili. Ginamit ko ang pagkakataon na ito upang lalong sariwain ang ganda ng paligid.

Ang mga ayaw sa tubig ay naroon sa mababatong bahagi kung saan nagkuwentuhan, ang iba naman ay kumukuha ng litrato.

Tumingin ako paibaba at nakita ang malamig na tubig na naghihintay sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang tumalon.

Sa una ay hindi ramdam ang lamig ng tubig sa ilalim ngunit pag-ahon ko ay halos mangisay ako sa lamig.

"Gosh Harp you're insane!" sigaw ni Gabriela sa di kalayuan.

"Woah! Tumulad ka nga kay Harp, Gabriela hindi takot sa tubig!" pang-aasar ni Yago

Inaayos ko ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. Hindi nagtagal ay nakapag adjust na ang katawan ko sa temperatura ng tubig ngunit dama ko pa rin ang lamig.

Nagkukulitan sina Matteo, Yago at Gabriela sa tabi ko ng hindi nakalagpas sa aking mga paningin ang dalawang tao sa isang sulok.

Ang babae ay masayang masaya sa kausap nitong ginoo. Napataas ang kilay ko ng makita ang paghampas sa ng babae sa lalaki. Muntikan ng maout of balance ang babae ngunit mabuti na lamang ay nasalo siya agad ng lalaki.

Echoes in a SparkWhere stories live. Discover now