Kabanata 12

4 2 0
                                    

Kabanata 12

Coach

"Harp bakit hindi mo na lang kuhanin na lang yan pareho, sayang ang oras mo sa pagbabasa ng label niyan, kanina ka pa diyan."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto kong masigurado na sulit ang bibilhin ko na produkto."

"Hindi naman problema ang pera, come on ako na magbabayad niyan."

"Tumigil ka, mabuti pa pumunta ka sa meat section at kuhanin mo ang mga nakalista dito."

Tinignan niya ang mga nakasulat dito.

"I'm telling you Yago, if you get more than on what I've listed there, yari ka sa akin."

"Ang yaman yaman mo Harp pero ang kuripot mo. Why don't you let me pay for these? Tutal palagi naman ako nakikikain sayo."

"I'm no one's responsibility. Kuhanin mo kung ano lang ang nakasulat diyan. Intiendes?

"Si señorita."

The last time na kasama ko mag grocery si Yago akala ko magpapakain kami sa orphanage. Napakarami niyang kinuha.

Ang daming pagkain ang nasira dahil hindi naman ako malakas kumain.

It's Sunday today and we're here inside the supermarket to replenish my pantry.

Maraming tao ngayon sa supermarkert. Halos lahat ng nakakasalubong ko ay mga mag-asawa.

Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanila. I remember my parents. I miss them already.

Habang binabasa ko ang label ng cereals na hawak ko ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan.

Hindi ko maiwasan na mapatingin dahil tinawag niya ako sa hindi pamilyar na pangalan.

"Eleonore."

Ang gulat sa aking mga mata ay napalitan ng mga ngiti.

"Lola Fely!"

Lumapit ako sa kanya at hinagkan ang kanyang mga pisngi.

Matapos nito ay yinakap ko siya ng mahigpit.

"Lola kailan pa kayo nandito?"

Narinig ko ang malakas niyang paghalakhak.

"Kahapon lamang hija, tatawagan sana kita upang magkita tayo ngunit tila gumawa na ang tadhana ng paraan na maglandas ang ating mga kapalaran." Ngiti nito sa akin.

Hindi pa rin nagbago ang kanyang itsura. Ngunit bahagyang nadagdagan ang mga kulubot sa kanyang mukha.

5 taon na ang nakalipas ng huling tumapak ang aking mga paa sa Bukidnon.

Tumira ako ng 3 buwan roon upang magturo sa mga kabataan ng Dahilayan. Doon ako nagsagawa ng practice teaching ko.

Sa pamamalagi ko doon ay nakilala ko si Lola Fely. Apo niya ang isa sa mga naging estudyante ko.

Naging malapit ang aking loob sa kanya dahil ng minsan ay magkasakit ako ay siya ang nag-alaga sa akin hanggang sa gumaling ako.

And the rest was history.

Matagal na kaming hindi nagkita dahil nga naging busy ako sa pagtuturo. Hindi na rin ako nakabalik pa ng Bukidnon.

Bigla kong naisip ang mga bata doon. Kamusta na kaya sila?

"Sino po ang kasama niyo lola?"

"Nariyan lamang sa paligid si Esme at kumukuha ng gatas."

"Mayroon na po ba kayong titirhan dito? Pwede po kayong tumuloy sakin!" pag-aalok ko

Echoes in a SparkKde žijí příběhy. Začni objevovat