Kabanata 26

2 1 0
                                    

Kabanata 26

Paasa


No family is perfect. We argue. We fight. We even stop talking to each other at times. But in the end, family is family. Love will always be there.

Isang malutong na sampal ang nasaksihan ko pagpasok ko ng opisina ng prefect of the students. Naitago ko agad ang pagkabigla ko sa sitwasyong bumungad sa akin.

"Anong klase kang teacher?! Bakit mo pinabayaan ang anak ko?! I expect that my son will be safe in this school!" Hindi ako makagalaw pa sa aking kinalalagyan. Inihanda ko na ang sarili ko na sunod na masampal.

Inawat ng lalaking kasama ang babaeng sumampal kay Kring. Inupo niya ito muli sa upuan at pinakalma. Tinignan ko si Kring, blanko lamang ang ekspresyon nito at tulala. Hindi man ito nasaktan sa sampal na natanggap niya. Bakas ang pamumula ng kanyang pisngi.

Isa sa mga nakalulungkot na bahagi bilang isang guro ay ang makatanggap ka ng mga masasakit na salita. Kasalanan pa rin ba ng guro kung alam mong ginawa mo na ang lahat para masiguradong maayos at ligtas ang mga estudyante mo araw araw pero hindi pa rin maiwasan ang mga kalunoslunos na sitwasyon?

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng prefect's office. Hindi ko alam bakit kinailangan pang naroon ako sa buong pag-uusap gayong hindi ko naman alam kung anong buong nangyari. Muntikan na akong makatulog sa daming sinabing litanya ng prefect. Napakabigat ng nararamdaman ko ngayon.

Ang parehong nanay ni Alex at Zac ay galit na galit kay Kring. Kung ano anong pang masasakit na salita ang binatawan pa nila. Ngunit tila walang pakialam si Kring dito. Ilang sandali lamang pagkalabas ko ng pinto ay may tumawag sa aking pangalan.

"Teacher Harper!" nilingon ko ito at nakitang ang nanay at tatay ito ni Zachary. Mabilis itong lumapit sa akin kaya napaatras ako. Nang makalapit ito ay naiharang ko ang kamay ko sa aking mukha, akala ko kung anong gagawin nito ngunit hinawakan lamang nito ng mahigpit ang aking kamay. Nakahinga ako ng maluwag at dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko.

"I really owe my son's life to you, teacher. I don't know how can I repay you." Mabilis na pinunasan nito ang luhang bumabagsak sa kanyang pisngi. Inabutan naman siya ng lalaking katabi niya ng panyo.

Pinagmasdan ko ang dating mag-asawang nasa harapan ko. Kung anong nangyari sa kanila ay hindi ko alam, pero makikita mo na may natitirang pagmamahal pa rin ang naiwan sa kanila.

Kahit anong problemang mag-asawa na mayroon kayo, hindi dapat ito maging hadlang sa pagiging mabuting magulang para sa inyong anak. Hindi nila deserve na mapabayaan at maipit sa gulong hindi naman nila ginusto.

"Just be the best parents Zachary could have. And that will be enough." Seryoso kong tugon dito.

I found out that Zac came from a broken family. He's living with his mom right now.

I know that Zachary has a heart problem but I didn't know that it is really fatal. Lately, I noticed his sudden change of behavior. He becomes aggressive to his classmates and he always tries to pick a fight. The reason for that? He found out the cause why his father seldom visits him, may bagong anak ang tatay niya.

Nagsimula siyang magrebelde ng hindi niya matanggap ito. Tulad ng nangyari kahapon si Alex ang nakasagupa niya. Ito ang mangyayari kung hindi naipapaliwanag sa bata ang mga bagay bagay ng maayos. Naniniwala ako na kahit bata pa sila ay kaya na nilang maunawaan ang mga pangyayari kung ito ay maipapaliwanag at mapag-uusapan ng mabuti.

Alex couldn't control his temper when Zachary got his cutter without his permission. Alex wants it back but Zac didn't want to return it. And like what happened yesterday it turned out to be a bloody fight.

Echoes in a SparkWhere stories live. Discover now