Kabanata 21

4 1 0
                                    

Kabanata 21

Echoes

"Harp matagal pa ba yan."

"Wala pa ako sa kalahati."

"Paabot ng dahon." Utos ko dito.

"Nagugutom na ako, why don't we eat first it's almost lunch."

"Ikaw na muna, hindi pa ako nagugutom."

"Yago, yung dahon?" abot naman nito.

Idinikit ko ang dahon sa mga kahilera rin nitong mga dahon.

Narito kami sa school at nag-aayos ng bulletin board. Magkakaroon ng patimpalak ng pagandahan ng bulletin board sa darating na school fair.

Napili ko ang jungle style na bulletin board. Akmang akma ito sa araw araw na set up namin dito sa loob ng classroom.

"Mga bata dapat ang gumagawa niya hindi ikaw. Nagpapalipas ka ng gutom dahil diyan." Pagsesermon nito.

"Yago, what do you expect from elementary students? Hindi rin sila papayagan na pumunta dito. Maswerte ka at senior high ang hawak mo." Iling ko dito.

Sinilip ko kung anong ginagawa nito at nakitang nagsusulat sa board. Binalewala ko ito at bumalik ulit sa aking ginagawa.

Hindi nagtagal ay nararamdaman kong may nagbato sa aking paa ng chalk.

"Hey, tumigil ka nga." Sigaw ko dito.

Nagkibit balikat ito at tuloy tuloy lang sa pagbabato ng chalk sa akin.

"Intayin mo akong makababa dito babatuhin kita ng upuan." Wala pa rin itong pakialam at patuloy lang sa pagbabato.

"Isa Yago Sebastian Estenzo hindi ka ba titigil?" harap ko dito.

Binato ko sa kanya ang glue na hawak ko pero nasalo lamang niya. He even gave me a smirk. This jerk.

"Ibalik mo sa akin yan." Utos ko rito.

"Ayoko nga bumaba ka dito, bato bato ka tapos uutusan mo ako." Pang-aasar nito.

Mukhang tapos na siyang mag check ng mga research dahil halata na sa mga ikinikilos nito na naiinip na siya.

Kanina pa kaming alas otso narito. Dinaanan niya ako ng condo bago pumunta ng school.

Mabuti na lamang at may isa pang glue sa paa ko kaya ito ang ginamit ko. Inirapan ko ito at tinalikuran.

Dahil hindi ko matiis na baka nagugutom na siya, hinarap ko muli ito at pinamewangan.

"Sige na, mauna ka na kumain. Sasabihin ko naman kung nagugutom na ako." Pangungumbinsi ko rito.

Nagpanggap ito na walang narinig. Iniaangat angat nito ang glue sa kanyang kamay habang naglakad papalapit sa akin.

Inusog niya ang upuan na malapit sa cabinet na tinutungtungan ko.

"Anong gagawin mo?"

Nagulat ako ng hawakan niya ang baywang ko at akmang bubuhatin ako pababa. Ngunit nakipagmatigasan ako at tumukod sa bulletin board.

"Hoy Yago anong ginagawa mo, bitawan mo nga ako mamaya mahulog ako. Bwisit ka talaga." taranta kong sabi dito.

Pilit ko siyang sinisipa upang bitawan niya ako, ngunit nakakaiwas lang ito. Mataas ang tinutungtungan ko na cabinet at baka mahulog talaga ako sa ginagawa niya. Nasisiraan na yata ito ng ulo.

"Kung ayaw mong kumain, I will force you to eat." Tugon nito.

"Hoy Yago, bwisit ka kapag ako talaga nahulog dito. Babatuhin kita ng upuan mamaya." Pilit kong alis ng kanyang kamay ngunit mahigpit ang hawak nito sa akin.

Echoes in a SparkTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang