Kabanata 3

5 3 0
                                    

Kabanata 3

Closer

"The mass has ended, go in peace."

Nagpalakpakan ang lahat at nagsimula muling kumanta ng pangwakas na awitin.

Natapos ang unang araw namin sa retreat sa pamamagitan ng pag attend sa misa.

Katabi ko si Gabriela at Yago.

Sa bandang likod kami nakaupo. Hindi kami agad makalabas dahil iniintay namin si Mateo na matapos dahil nag serve siya sa misa bilang sakristan.

Nang makalapit na siya sa amin ay sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa dining hall.

Ang lahat ay excited ng kumain ng dinner.

Alas siyete pa lang ng gabi pero dama ko na ang antok ko.

"Sana naman magkakatabi tayo ngayon." simangot ni Gabriela

Kaninang lunch at meryenda ay magkakahiwalay kami ng table. Ang lupit talaga ng head ng retreat na ito at pinaghiwa-hiwalay ang lahat ng magkakakilala.

Di ka talaga bibigyan ng pagkakataon na makipag-usap sa iba.

Hindi ko alam kung may galit ba sa akin si Sir Troy at sa aming magkakaibigan ay ako lang talaga ang walang kaclose man lang ng kaunti sa table.

Kaya ang ending ay hindi ako nagsasalita.

Issue na naman ako nitong namimili ng kausap. Anong bago?

Si Yago at Mateo ay busy na mag-usap dahil sa paparating na Senior High week.

Si Yago ang Head ng Senior High Department. Gago yan pagdating sa babae pero pagdating sa trabaho seryoso yan.

Pagpasok namin sa hall ay dinig ko ang mga hinaing ng mga tao.

Mukhang alam ko na ang ending nitong lahat. May table arrangement na naman.

Hinanap ko ang table ko at nasa table number 10 ako.

Si Yago ay nasa table 1 kasama yung ilang co teacher niya sa senior high samantalang si Mateo at Gabriela ay nasa table number 5. Ang daya.

Mapapabuntong hininga ka na lang talaga.

Pagkatapos kong pumila sa pagkain ay pumunta na ako sa table ko. Wala ako sa mood dahil malamang wala na naman akong kausap.

Bibilisan ko na lang kumain.

"Ang tahimik mo." Napatingin ako sa tumabi sa akin sa upuan.

Nakita kong si coach Midnight ito.

"Sakto lang."

"Dito table mo?" tanong ko

"Oo ayaw mo ba?" habang busy ito sa pagkain ng salad

"Di naman, pero parang ganoon na rin." Panloloko ko

"Grabe ka sakin, sumbong kita kay Dj, and speaking of the devil."

Napatingin ako kung saang direksiyon sa nakatingin.

Ang laki ng ngiti nitong umupo sa kanang bahagi ko.

"Yun ayos reunited ang Brangelina." Panunutya ni Coach

Sinamaan ko siya ng tingin.

"May nagsabi na ba sayong nakakaasar ka?" baling ko dito

"Ang sungit mo na naman, ngiti ka naman diyan." Saad ni Demetri

"Ayoko ko nga baka kiligin ka pa." irap ko.

Echoes in a SparkWhere stories live. Discover now