Kabanata 8

8 2 0
                                    

Kabanata 8

Biased

Naglakad ako ng taas noo at tila walang taong nakikita sa paligid.

Bukod sa mga kaibigan ko ay wala akong pinapansin na kahit sino ngayon araw.

Sino bang magkakaroon ng ganang pansinin ang mga taong tulad nila? I'm not stupid to not know that they don't like my presence.

I guess this is one of the downsides of being a teacher, you can't bring your problems once you're inside the classroom.

It's a mortal sin to show them that you're going through something. They're still young to be exposed in difficult situations as I do.

Kaya hangga ako sa mga teacher na nakakayanan pang pasayahin ang mga estudyante nila kahit ang sarili nila ay hindi nila magawang mapangiti man lang.

Naiintindihan ko na kung bakit maraming nagpapakamatay na teachers, dahil sa trabahong ito hindi naman talaga pagtuturo ang problema.

Kung hindi ang mga nakapaligid na tao sayo pati ang bigat ng trabaho na ibinibigay sayo.

Paano makakapag focus ang mga teachers sa trabaho kung ang dami dami pang dagdag na gawain sa kanila?

Hindi naman kasama sa job description namin ang paperwork na admin dapat ang gumagawa.

Pumunta ako ng field at naupo sa isa sa mga bleachers.

Huminga ako ng malalim at naamoy ang preskong simoy ng hangin.

Pinanood ko ang mga batang naglalaro ng soccer sa field.

Buti pa sila masaya.

Vacant ko ngayon. Imbis na mag stay ako sa faculty room ay dito ko na lang napiling magpahinga.

"Malungkot ka na naman."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.

Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Midnight.

May hawak itong bola sa kanyang kamay at mahusay na pinapaikot-ikot sa daliri nito.

Biglang pumasok sa isipan ko ang ideyang. Ang bolang hawak niya ay parang mga babaeng nilalandi niya, ganyan na ganyan din niya paikutin.

"Nabalitaan ko ang nangyari."

Napabuntong hininga ako at binigyan ko siya ng mapait na ngiti.

"If you're here to blame me too, you better leave. I want to be alone."

Napatigil ito sa pagpapaikot ng bola matapos marinig ang aking sinabi.

"No, of course not, I know na hindi mo yun kasalanan. Mas maniniwala ako sayo kaysa kay Gael. Nakalimutan ko yatang sabihin sayo kung gaano kagago yung isa na yun." Pagkumbinsi nito sa akin.

"Wag ka ng malungkot, hindi deserve ni Gael na magkaganyan ka dahil sa kanya. You know the truth and don't let the wrong accusations ruin you." Seryoso niyang wika.

Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Bakit nga ba ako nagpapakalugmok sa kalungkutan?

"Alam mo minsan may sense ka ding kausap." Sabi ko sa kanya

"Ngiti na, pagmalungkot ka malungkot din yung kaibigan ko eh."

Akala ko seryoso kaming nag-uusap pero may pang-aasar pa rin talaga sa dulo. Napailing ako.

"Kaso madalas wala." Pang-iirap ko.

Napatawa naman ito.

"Seriously Harp, I'm not used to see you this problematic and bothered."

Echoes in a SparkWhere stories live. Discover now