Habang naghihintay ako sa labas ng kotse ni Xeven ay biglang napadaan sa harap ko sina King Hendrix at Queen Celestia. Nagmamadali sila na para bang may hinahanap. Bakas din sa mga mata nila ang tensiyon kaya naman nag-alala ako bigla.
May problema ba?
Hindi nila ako napansin kaya naman tahimik ko lang silang sinusundan ng tingin. Para silang may hinahanap sa likod ng malalaking kahoy...Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at lumapit na ako sa kanila.
"K-King Hendrix, Queen Celestia, may problema po ba?" Mahinahon kong tanong habang tumitingin-tingin din sa paligid.
Agad kong nakita ang pagkabigla ni Queen Celestia nang mapagtanto niyang ako ito.
"Oh! Look who cried out of desperation!" Pagbati niya sa'kin. Mukhang natutuwa pa siya nang mahalatang umiyak ako... "Bakit nandito ka pa? Diba tapos na ang isang linggong ibinigay namin sa'yo?" Agad na tumaas ang kaliwang kilay niya.
"Opo... Hinihintay ko na lang din po si Xeven. Aalis na din agad ako..." Paliwanag ko sabay yuko dahil mukhang kakainin na talaga niya'ko.
"Good! At please lang, wag ka nang babalik pa dito! Hindi ka namin kelangan dito! Kaya naman tanggapin mo na lang na hindi na talaga kayo magkakabalikan ni Zein dahil unang-una pa lang hindi na talaga kita gusto para sa anak namin—"
"Celestia, tama na yan. Uuwi na nga si Eve, diba? Pauwiin mo siya nang tahimik at walang sama ng loob sa atin." Saway ni King Hendrix sa kanya kaya naman natahimik siya.
YOU ARE READING
Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]
RomanceShuyin Trilogy (III): Mababalikan ko pa kaya siya ngayong may mahal na siyang iba? Teka... Prince Shuyin? Sino yun? Continuation of "Loving a Prince" [Story includes a glimpse to SERLANDE] NOTE: I recommend you to read "Loving a Weirdo", then "Lovi...
SHUYIN 21: Taking the Bullet
Start from the beginning