Cherish

80 61 4
                                    


Two weeks after the parking lot incident, and I'm still here having a hard time to wrap my head about what's happening. Maybe because Maxon really never discussed about it, and I never wanted to know.

Sa totoo lang, I just chose to cherish every moment.

After that day, sunod sunod na araw kaming palagi umaalis ni Maxon every after school. It became a habit, really. So it gave me the motivation to look forward for the rest of the day, knowing at the end of it, there will be Maxon.

Mas naging close na din kami ni Ash to the point that I don't mind driving with him everyday on the way to school. Though sometimes, naiinis pa rin ako sa kanya dahil napaka mysterious niya.

"So it's settled?" Pagtatanong ko sa aking mga ka-party, and I can already see the hesitation in there eyes.

Sige, aaminin ko na, sa two weeks na iyon medyo naging distracted ako sa preparations para sa elections. The reason? Yes, it's Maxon.

Naalala ko last friday, talagang minadali kong matapos yung meeting tungkol sa magiging design ng aming campaign t-shirt. Because he promised to take me to Enchanted Kingdom.

And he did. Nag enjoy ako nang sobra. He paid for everything kahit na nag insist ako na magbayad kahit sa foods na lang. We ride the Space Shuttle, na halos mapaos ako kakasigaw. Doon din sa Jungle Log Jam at sa Rio Grande. Sa mga rides na iyon nabasa ang damit ko, kaya naman pinahiram niya ako ng isa niyang spare shirt.

After riding those, agad kaming nakaramdam ng gutom at kumain sa food court na nadoon.

When the sun was already down, he took me to the Ferry's Wheel. And I swear, I thought he could hear how my heart's beating.

With the subtle light provided by the sunset, I can see how brown his eyes were. Ang tangos din ng ilong niya, his lip and chin made me wonder if God really spent some time making him.

They nodded. I dismissed them and started to pack my things as well. Tumingin ako sa bintana ng classroom at nakita kong padilim na.

Sinigurado kong makabawi ngayong araw sa meeting kaya naman inabot kami ng ganitong oras. I wonder where Ash is. Madalas din kami magsabay pauwi, but not when he's 'busy' as he says.

Pagkalabas ko ay medyo konti na din ang tao, may mga guards na din na nagsasagawa ng rounds in the hallways making sure na paalis na ang mga tao.

Maxon told me earlier na wala siya at hindi niya ako mailalabas dahil may liga siyang sasalihan. Unfortunately, wala din akong dalang kotse dahil ginamit iyon ni Mommy dahil nasira ang kanya.

Nang nakalabas ako sa gate ng school, I debated kung sasakay ba ako ng tricycle or jeep. I wanna go home right away kaya iniisip ko kung alin ang mas mabilis. Ramdam ko na din ang antok at pagbagsak ng mga mata ko. Medyo masama na din ang aking pakiramdam.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, bago kasi ako makapagpalit noong friday ng damit ng ni Maxon ay matagal ko pang nasuot ang basang damit ko at medyo natuyo ito. Magkakasakit pa ata ako.

Malamig na din ang hangin at walang tao dito ngayon.

Tumingin ako sa kaliwa at kanan ng kalsada dahil naroon sa kabila ang sakayan. Sa kabila ng antok at sama ng pakiramdam ay naglakad ako ng dirediretso.

Bigla akong nakarinig ng malakas na busina, pagkatingin ko sa aking gilid ay may papalapit na truck.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong ngayon ay dapat tumakbo na ako at tumabi pero naestatwa ako doon.

Hinihintay ko na lamang ang sakit ng hampas noon sa akin nang may maramdaman akong kamay na pumulupot sa aking baywang.

Isang malakas na hangin ang aking naramdaman, napapikit ako at naramdamang lumampas ang truck sa lugar ko.

Between Life and DeathWhere stories live. Discover now