Don't Fall

120 66 48
                                    


"So, do you guys believe in Angels and Demons? You know, the story when God casted angels out of Heaven?" Carrie asked.

Here we are again, in the cafeteria's round table and having some weird topics in our conversation. "Not really. Kasi ako I believe the people are the demons itself." I said jokingly kaya naman napairap sakin si Mara habang umiinom ng milkshake.

"Well yes, I do. May mga kwento pa nga na ilan sa kanila ay gumagala pa dito sa earth." Sabi ni Carrie. "Resulting to many stories about Kapre, Aswang at iba pa. Kasi noong tinapon sila ay naging monsters na. And the ghosts who we thought our dead relatives na nagpaparamdam? It's just demons, they said." Sa amin sa grupo, siya na ata ang pinaka may maraming alam.

She loves to read books kaya naman doon niya nakukuha lahat ng knowledge niya sa mga bagay. Her glasses fits her well, it doesn't make her look old at all. Her pale skin makes her jet black eyes and hair stand out.

Kaya madaming nagkakacrush dito eh.

While me, my pale skin matches hers. My hair is the deepest shade of red and brown, like mahogany that ends right by my waist. But it's not because of dye, I got it from my mom who is naturally born with it. My light brown eyes that I got from my dad is one of my favorite things about me.

I suddenly came to think about it. Totoo kaya talaga ang mga demons and angels kagaya ng mga nababasa ko sa fiction at lalo na sa Bible?

"Carrie, if what you said about demons being the monsters and ghosts is true, it means some of us have already encountered them. What about the angels?" I asked while fiddling with my toast.

Carrie shrugged, "Well, yan ang question na di pa nasasagot." Tumingin naman siya kay Mara, "What do you think?" She asked.

Lumilinga ang paningin niya, tanda na nagiisip siya kaya naman pati ako ay napatingin sa paligid.

Himalang tahimik dito ngayon at konti ang tao. "Madaming nagsasabi na nakakita na daw sila ng angels sa panaginip nila." Sabi nya habang nakatingin pa rin sa paligid.

I nodded and faced them, "Oo, madami nga nag testify pero wala namang solid proof. Baka yung iba mga papansin lang." We laughed.

"Girls!"

Huminto at napalingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isa pa naming kaibigan na si Kia na tumatakbo papunta sa amin.

She stopped right in front of our table, "Oh bakit ka tumatakbo?" Tanong ni Mara.

Hinihingal niyang tinuro ang pintuan, "Ang varsity team, nakabalik na mula sa Campus Tour!"

Nagkatinginan kami at sabay sabay na kinuha ang gamit at tumakbo papalabas.

Kaya naman pala tumatakbo itong si Kia, eh nakakatakbo naman pala talaga yung nalaman niya!

Hindi pa man kami nakakapasok sa gym ay rinig na ang sigawan ng mga tao. Kaya naman pala konti ang tao sa Cafeteria, nandito silang lahat.

Nang makapasok kami sa malaking double doors ay dumiretso kami sa hagdan para umakyat, tumingin ako sa court at nakita ang cheerleading team sa gitna. Maswerte kaming nakahanap ng pwesto at umupo roon.

Carrie sighed, "How come na hindi natin alam ang tungkol dito?" Kita sa muka ang pagka irita habang ibinababa ang kanyang bag.

Between Life and DeathWhere stories live. Discover now