I chuckled to what he said.

"Sayo din!"


Tatalikod pa lang sana ako ng maramdam ko ang yakap nito.
"Sweet dreams. " he said and kiss my forehead. Umalis s'ya sa pagkakayakap at naglakad papunta sa bakod at walang hirap na inakyat 'yun. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang kumaway s'ya sa akin at isinisinyas na pumasok na ako.


Para akong pinapaliguan ng kilig sa buong katawan dahil sa ginawa n'ya hindi ko tuloy maiwasan mapangiti.
Papasok na sana ako ng makita ko pa rin si Grace sa pinto. Nagulat naman ito at mabilis na tumalikod. Muling napataas ang kilay ko dahil hindi nakatakas sa akin ang mga reaction n'ya at mga kilos n'ya.


Mali sana ang iniisip ko tungkol sa kapatid ko.


Pagdating ko sa kwarto namin nakita kong nakahiga na s'ya doon. Nakapikit na rin kaya hindi na ako nagtangka pang magsalita Tumabi na lang ako at saka natulog.


Maaga akong nagising kinabukasan kaya naisipan kong magjogging na lang muna tutal hindi pa naman sumisikat ang araw.


Nagjogging lang ako sa ruta ko pabalik balik.


Nang makaramdam ako ng uhaw ay bumili ako ng tubig dahil hindi naman ako nagdala ng tumbler.


"Hija!" gulat akong napatingin kay Mrs. Salvador na nasa harap ko pala ang laki pa ng pagkakangiti nito. Hindi ko man lang s'ya napansin.


"Mrs. Salvador kayo po pala."


"Ays ikaw talaga! Tita na lang din kasi."


Ang tawag ko kasi sakan'ya ay Mrs. Salvador at sa papa naman ni Josh Mr. Salvador. Hindi ko alam pero 'yun na ang tinatawag ko sakanila.


"Sige po tita."


Nagliwanag ang mukha nito dahil sa naging tawag ko sakanya.


"Much better!" she giggled. Napangiti tuloy ako dahil sa reaction nito.


"Kamusta ka na pala?"


"Po?" nagtataka kong tanong.


"Diba masama ang pakiramdam mo kagabi? Ayos ka na ba ngayon?" 
Nakita ko ang pagaalala nito. So, Ang pagkakaalam pala nila masama ang pakiramdam ko? dahil hindi ako sumabay sa pagkain nila?. Nako tita kung alam n'yo lang kung bakit hindi ako sumabay, dahil 'yun sa anak ninyo.


"Ah. Ok na po ako tita."


"Mabuti naman! " Saka siya tumingin sa itsura ko. "Tama 'yan! Magpapawis ka para maging healthy!" again he giggles. Ang cute ni tita kapag ginagawa 'yun.


Ito na naman 'yung pakiramdam ko sa tuwing kinakausap ako ni Mrs. Salvador. Yung feeling na kaidad mo lang siya. Feeling na hindi ka mahihirapan kasapin s'ya kasi alam n'ya kung paano umakto sa katulad ko at mga sasabihin. Nakakatuwa na masarap sa pakiram yung ganong sitwasyon.


I give her a sweet smile.


"Oh, paano mauna na muna ako mamamalengke pa ako."


"Ah sige po tita ingat po."



Ano kayang magiging reaction ni Mrs. Salvador kapag nalaman n'yang manliligaw sa akin ang anak n'ya? Papayag kaya s'ya? I mean incase na maging kami matatanggap n'ya kaya ako? Ang tingin pa naman nila sa amin ay magpipinsan.


Pabalik na ako sa bahay nila tita ng makareseve ako ng message. Nagvibrate kasi ang cellphone kong hawak. Hindi ko namalayang bukas pala ang data ko dahil 'yung message ay galing sa messenger.


NagJogging ka?

Ang chat ay galing kay Josh.

Yes y?

Where are you?

Anong problema nito? Napataas tuloy ang kilay ko.

Dito sa may taas


Exactly?

Ano bang kailangan nito sa akin.

Caren store

Wait me

Ha? Hintayin ko s'ya? Saan? Dito? Bakit?

Waaahhh ang dami dami ko na namang tanong. Ano na naman kasing plano nun! Keaga aga! Pero napangiti pa rin ako sa kaalamang pupuntahan n'ya ako at naeexcite na agad akong makita s'ya.











itutuloy...

Three Words Twelve LettersWhere stories live. Discover now