Kabanata 43 - TRUTH

55 10 0
                                    

"Anak...."

Unang salita pa lang ni Mommy biglang nadurog yung mundo ko, yung boses na kay tagal kong hindi narinig, yung mukhang kay tagal kong hindi nakita, yung kilos na bago sa aking paningin, yung mga matang ngayon ko lang ulit natitigan.

lahat ng 'yon, ngayon lang ulit....

"Kamusta na kayo?" mahinahon na tanong ni Daddy sa amin pero mas angat ang lungkot, napaiwas ang tingin ko at tumama iyon kay Luke na hawak pa rin ang dokumento, ang iba naman ay pinipirmahan ni Aliah at si Cyd naman ay binabasa ang pangalawang folder ang dalawa pang kasama namin ay inaayos ang document racks. pumasok bigla si Sierra nang may dalang juice, inilapag niya iyon sa lamesa at umalis na ulit.

"Nikka, Anak.. lumalaki na ng kaunti ang tyan mo ha." aniya ulit ni Daddy nang naka ngiti na abot tenga.

Apo niyo itong dinadala ko ngayon, Pa at Ma...

"Pamangkin namin 'yan." sabay na sambit ni Keira at Carl nang walang makikitang emosyon ang kani kanilang mukha.

"Buntis ka, Anak?" tanong nila Mommy at Daddy ng sabay nang nakangiti.

Yang ngiti na 'yan, mapapawi yan mamaya kapag nagsalita ako.

"Bakit kayo naparito sa kompanya ko?" tanong ko sakanila at biglang nawala ang matamis na ngiti sa kanilang labi.

"Pakisagot muna ang tanong namin Anak." aniya ni Daddy nang bahagyang yumuko dahil sa inaktong ugali ko.

"Hmm. Buntis ako, Si Luke ang Ama. so pwede niyo na rin bang sagutin yung tanong ko sainyo?" sambit ko sakanila na may halong diin.

"Gusto naming mang hingi ng tawad sainyo, dahil sa pagsisinungaling namin." deretsong aniya ni Mommy at tumungo ng kaunti.

"Tawad? Magdadalawang taon kaming nangulila sainyo, napasok kami sa kaguluhan, nakuha pang magtago nila kuya dahil baka sila ang ma target, napagdaanan kong m-mag agaw bu-buhay." gumaralgal ang boses ko at bigla nalang pumatak ang luha ko dahil sa sakit.

"Anak, alam namin na si Sebastian ang nag utos na mag pahirap sa'yo noong panahon na iyon, sinubukan namin siyang pigilan pero isa siya sa Major 4, pero--" paliwanag ni Daddy ngunit biglang nag salita si Kuya.

"Dahil kasapi kayo sa organisasyon na walang dulot!" sigaw ni kuya sakanila. 

"Lahat ng ginawa namin at pagkapit namin sa Yakuza, buhay niyo ang iniintindi namin kaya kami nakihalubilo sakanila."  sambit ni Mommy nang mahinahon.

"Then Why?!" sigaw ni Keira, tumayo si Cyd sa pagkakaupo niya at hinawakan sa magkabilang balikat si Ate upang mapakalma.

"Nikka suffered for death dahil dyan sa punyetang Sebastian na yan! nasilaw ako sa pera para mapahirapan lang yang kapatid ko kahit labag sa loob ko, naging cold hearted ang pakikitungo niya sa amin noon dahil sinilaw niyo siya gamit ang kompanyang 'to! and now, you were both here? just to ask if we were okay? What the fuck is wrong with you two?! mas nangulila 'tong bunso naming kapatid sa pagmamahal niyo! sa malamig na pagtrato ni Mommy kaya naging ganito siya katigas!" lumuluhang sambit ni Ate, napahagulgol ng mahina si Mommy at Daddy at ako naman ay hinahayaan lang ang luha kong umagos at si Kuya ay napapahilamos nalang sa kaniyang mukha. si Cyd ay patuloy lang sa pagpapakalma kay Ate, Si Luke ay pumunta na rin sa gawi ko at si Aliah ay nakatayo sa gilid habang ang ulo ni kuya ay nakasandal sa bewang niya.

"Kaya namin ginawa iyon, dahil sa mayayamang tao dito sa bansa natin ay tayo ang pinaka target nila. binantaan nila kami na papatayin kayo kapag hindi kami sumali sakanila, dahil kapag hindi naman tinanggap iyon ay kikitilan nila kayo upang mawalay agad kayo sa amin." paliwanag ni Daddy.

"A-ano yung pag papanggap niyo na patay kayo? ano yun?" tanong ko sakanila.

"Pinalabas ng buong Yakuza na patay na kami upang mawalan kayo ng maaasahan sa amin, pero bago pa kami umalis noong araw na iyon ay palihim naming sinabihan at inutusan ang abogado namin upang maihanda ang mamamana niyong ibang properties na galing sa amin except sa kompanyang ito dahil dati na itong pinapatakbo ni Nikka noong 17 siya." pagpapatuloy ni Mommy.

lahat ng iyon ay sakripisyo nila upang hindi kami patayin...

sakripisyo pala ang lahat ng iyon..

"At masaya kami dahil mag kakapamilya ka na anak.. masayang masaya kami" aniya ni Daddy.

"Si Sebastian po pala?" tanong ko sakanila at agad napangisi ng kaunti si Mommy.

"Siya nalang at si Ace ang kalaban ninyo, bumitiw na lahat kami sa pwesto dahil gusto na namin ulit kayo makasama lalo na ang magiging apo namin." aniya ni Mommy.

"Si Joaquin, Julie at Ian ay nagbabagong buhay na ngayon." ngiting sambit ulit ni Mommy.

"Kayo na ang magtapos ng laban." huling sambit ni Daddy at kinuha ang folder ko sa main desk upang tignan ang stats ng kompanya, napangiti siya dahil mas tumaas pa lalo iyon.

kami ang magtatapos, basta para sainyo.

"We are sorry about what we did anak.." aniya ni Daddy.

"It's okay Mom and Dad, atleast alam na namin ang rason kaya nangyari ang lahat ng ito." aniya ni Keira na sinang ayunan naman ni Carl.

We are complete now..


The Agents (COMPLETED)Where stories live. Discover now