Kabanata 12

77 11 0
                                    

Plano

Nikka's Point of View

grr! ang aga ko naman nagising badtrip naman oh, dahil maaga ako nagising alam kong magpapa meeting nanaman si panget este si kuya carl.

deretso ligo na ko, ganda talaga ng umaga ko. naalala ko nga pala yung pagpatay ni aliah kay marcus, wala eh napakabilis ng pangyayari akalain mo yun? napakabigat ng presensya ni aliah nung nakahawak siya ng baril Wahaha!

Makapag almusal na nga, nakakagutom kesa magdada. hmm! ang bango naman ng almusal, ano pa bang bago? matakaw ang nag iisang Nikka Dela Fuerte.

Naabutan ko si luke na nagluluto ng almusal, talaga namang ang pogi ng fafa mo Haha! Pero seryoso, simula nung nangyari samin yung away na yun mas lalo ko siyang minahal.

"Hi Sweetie, gising ka na pala nagluto na ako ng almusal para sabay sabay na tayo pumunta sa meeting mamaya"
Sweetie raw? natunaw naman ako kahit hindi ako ice cream dahil sa mga titig niya my heart! baka mabaril ko ito sa sobrang kilig na nararamdaman ko, patagong kilig tawag dun.

may meeting nanaman, grabe talaga si kuya carl. adik sa meeting makita lang si ate aliah sus. adik nga.

matagal tagal rin kami nakapag almusal apat, ayun dami kong kinain ano pa bang bago? pag matakaw, matakaw. period!

"Hoy Nikka, dito ka na sumakay sa sasakyan ko para sabay sabay na masyado ka kasing mabagal kumilos psh!"
sambit ni luke at ginulo niya ang buhok niya, hay nako yung puso ko naman oh nalalaglag na.

Ilang minuto rin siguro yung biyahe namin makarating lang sa kompanya ko. sa kompanya ko nanaman sila magkakalat, sarap talaga tusukin ng ballpen.

"Next target natin si Michael Jorge"
deretsong banggit ni aliah, masyadong excited tong isang ito pumatay para lang maubos alagad nung alas na yon. Atat ka girl?

"Ang bilis mo naman mag banggit ng pangalan, Artista ba yun? baka mas magaling pa bumaril sa akin yan, action star ba yan?" sambit ko at bigla akong hinampas ng folder ni kuya carl sa ulo, kaya nga joke lang naman eh. eto naman si luke tumatawa, kahit tumatawa ang pogi kaso mukhang bully Wahaha!

"Alam mo nikka, ngayon ka lang naging katawa tawa. anong nakain mo? kaya kitang ipahuli sa pulis kahit kapatid kita"
oo kuya carl, natakot ako doon ha. banta ba yan? o banta bantaan?

"Ikaw naman boss namin, Ibagsak ko kompanya mo. nakalimutan mo na ata, yung rank 1 sa H5 kaya ipabagsak ang mga kompanya"

hindi naman talaga yan rule sa H5, gawa gawa ko lang yan para matakot siya. kaya ayun

Piningot niya tenga ko.

"Joke nga lang, eto naman hindi mabiro" sambit ko nang bitawan niya ako.

tawa ng tawa si luke at aliah dahil namumula na ang tainga ko, namumuro na sakin to si panget na carl kainis.

"Hay nako nikka, Haha! ituloy na nga natin. si Michael Jorge ang kaliwang kamay ni Ace sa kompanya niya, kailangan natin mapatay at mahuli si Michael dahil binabalak ni ace na magpatayo ng 3rd branch ng kanyang business sa UAE kung saan may kompanya si nikka" sambit ni aliah

napatayo ako, at hinampas ko ang lamesa ng napaka lakas trip ko lang hampasin yon para mainis si kuya sa akin, ewan ko ba komedyante na ba ako? hindi ako nagseseryoso ngayon sa meeting haha!

"Anong problema Nikka?"
tanong ni kuya

"nagmamaktol ka ba?"
tanong ni luke na ikinagulat ko.

"Hindi ako nagmamaktol, pero parang ganun na nga" sagot ko sakanila na ikinainis naman ni kuya, sabi na wrong timing ang trip ko.

hinampas niya ko ng folder, tss. hilig mang hampas ng folder nakakainis na. parang nagpupukpok ng martilyo, dati ba siyang construction worker?

"itutuloy ko na talaga, malakas ang kampo nila michael. oo rank 1 si nikka, pero hindi natin alam kung matitibag niya ang mga maraming businesses ni michael. hindi lang si ava ang kasama sa pagsabog ng eroplano, 10 silang nagplano nun.
tomorrow, nasa bluejay company si michael. we need to get him, ask him, and kill him para maging malinis ang trabaho kagaya ng ginawa natin kay marcus. mabuti at hindi lumutang ang balita tungkol sa pagkamatay ni marcus."
sambit ni aliah na napakahaba, nainip na agad ako haha!

"ako ang mangunguna sa mission na ito, ako ang huhuli. kayo ang papatay" sambit ko sakanila ay ikinuyom ang aking kamay dahil sa galit nang nalaman ko 10 ang nagplano non. napakadami naman, pero hindi nila mahihigitan ang kaya kong higanti.

"Good, so clear na tayo alis na tayo aliah." sabi ng kuya kong pikon, talagang si aliah inaya imbis na akong kapatid niya? i smell something piggy este fishy.

"Let's go nikka, umuwi na tayo"
sambit ni luke at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Grabe na talaga nararamdaman ko, ibang iba to sa naramdaman ko noon kay ace. talagang napamahal na ko kay luke, napaka lakas ng dating niya sakin. ngiti palang nakakatunaw na, pag papunta palang siya sakin grabe tumibok puso ko. talagang mahal ko na siya.

The Agents (COMPLETED)Where stories live. Discover now