Kabanata 34

46 10 0
                                    

Sorry for the late update guys haha.

Formal Party.

Nikka's POV

nang makapasok kami sa hotel ay agad kaming sinalubong ng mga guards at sinenyas ang kamay na pumasok. marami nang mga tao ang nakaupo at nag uusap habang hawak ang kanilang wine glass. agad kaming sinenyasan ng babae na umupo sa table 7, red ang theme ng party at gold. maganda rin naman, pero kinakabahan ako sa mga mangyayari kahit hindi naman ako ganito dati.

"In just 5 minutes, the party will start and we will introduce the CEO's and the Major Stockholders."

kinalabit ko si Keira at agad naman siyang napatingin sakin.

"What?" angil niya sa akin.

"Hindi tayo pumunta dito para mag inom, bring that glass down Keira."
sambit ko sakaniya.

"Nikka, let her enjoy wala namang transaction dito okay." sabat ni Luke at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon.

"Fine." sagot ko at tinaas ang dalawang kamay na kunyari ay sumusuko na.

"Buti pa yang Nobyo mo. PDA kayo ha?" natatawang sambit niya at napairap nalang ako.

"Nga pala pakakasalan mo ba kapatid ko, Luke? kahit ganiyan ugali niyan?" tanong naman ni Carl.

"Oo pakakasalan ko 'to. mahal na mahal ko si Nikka kahit busy kami pareho" ngiting sagot niya sa kuya ko.

"Ilang buwan na ba kayo?" tanong naman ni Francis.

"Hmm. simula nung 18 palang si Nikka niligawan ko na siya, sa totoo lang 3 years akong nanligaw. 1 year and 2 months na kami ngayon, isama mo na yung tatlong taon kasi parang kami naman na non hahaha" sambit ni Luke habang nakatingin sa mata ko.

"Good Evening Everyone. Welcome to the Formal Party, Today we will meet the Major Stockholders." sambit nang emcee.

"Nga pala guys, Highest 7 naman na CEO ay gaganapin next year." sambit ni Kiefer, at lumingon na kami ulit sa stage.

"The 3 Major Stockholders is.."

namatay ang ilaw at bumukas lang ang nasa harap, nakangiti pa rin ang emcee sa amin.

"Julie Cauley." sambit ng nagsasalita sa harap at naglakad ang babaeng tinawag sa red carpet, nagpalakpakan naman ang iba.

"Ian Santos." naglakad naman ang lalaki sa red carpet at seryosong nakatingin sa harap.

"Grey Thomas." naglakad naman ang sumunod na lalaki sa red carpet at kumakaway sa mga tao.

"I present to you, The 3 Major Stockholders! pwede na po kayo umupo." agad namang umupo ang tatlo, sa stage. nakalagay kasi ang mga upuan sa stage, malawak iyon at kasya ang 15 ka tao.

"Let me Announce now the Highest Chairmans in Yakuza Organization." aniya ng Emcee at nagkatitigan kaming lahat nila Carl.

"Mr. Larry Dela Fuerte and Mrs. Loisa Dela Fuerte." anunsyo ng emcee at itinutok ang spotlight sa dalawang tao, nakangiti sila pareho na parang wala silang naiwan na anak. na parang hindi nila naisip na naghirap ako at muntikang mamatay.

sila nga.. buhay ang mga magulang ko.

tila bumagal ang oras habang sila ang naglalakad, pareho silang kumakaway sa mga taong dumalo at nakakapit ang kamay ng mommy ko sa braso ng daddy ko.

hindi ko matanggap kung bakit sila kumapit sa organisasyon na 'yan.

agad silang pumunta sa stage at tumayo sa harap at nagbow dahil nga chairman sila. sinenyasan sila ng emcee na umupo na, kinuha ko ang cellphone ko at chineck ang contacts, ganoon pa rin ang number nila pero gagawa ako ng ibang number para hindi nila mahulaan na ako ang tatawag sakanila araw araw.

"Now. Please welcome the CEO's of Yakuza Organization." aniya ng emcee at nagpalakpakan ang lahat ng tao.

"Mr. Joaquin Moran, Rank 1 of the CEO of the Organization. Owner and Founder of Moran Company" naglakad si Joaquin sa red carpet at kumaway sa mga dumalo. hindi na ako nagulat na miyembro dito si Joaquin, dahil sa tattoo na dragon ay alam ko nang sa Yakuza iyon.

"Ms. Venice Camora, Rank 4 of the CEO of the Organization. Owner of Fly Far Airlines." naglakad ang babae sa red carpet, ginawa niya rin ang ginawa ni Joaquin kanina.

"Ms. Elyse Liao, Rank 3 of the CEO of the Organization. Owner of Liao Corporations." naglakad ang babae na matangkad at dere-deretsong naglakad sa carpet.

Tsk. kala mo naman maganda, Suplada!

"And last but not the least,
Mr. Sebastian Salazar. Rank 2 of the CEO of the Organization, Owner and Founder of the Salazar Airlines and SS Association." naglakad ang demonyo habang ang kaniyang isang kamay ay nakalagay sa bulsa. kumakaway rin naman siya sa dumadalo ngunit hindi ganoon katodo.

"ni record mo ba ang mga pangalan aliah?" tanong ni Cyd.

"Yes. lahat malinaw pati yung mga pag aari nila ay nakuhaan." aniya ni Aliah kay Cyd.

"Pupunta sila sa France bukas din, may meet ang lahat ng CEO parang gathering ganon. hindi pupunta si Joaquin dahil may Out of Town Meeting siya sa States." aniya ni Carl.

makalipas ang ilang oras ay natapos ang party, umuwi na kami at hindi umiimik. sumabay ako sa sasakyan ni Keira at ganon nalang din ang reaksyon niya hanggang sa makauwi kami.

The Agents (COMPLETED)Where stories live. Discover now