Kabanata 29

45 9 0
                                    

Hey there MAIDENIANS! Sorry for the late update hehe, bawi ako today. Enjoy & Read every chapters everyone, Sa mga nasalanta ng Bagyong Ambo i hope you were all safe from the typhoon and especially from the Covid 19 Virus.
Stay Away from crowded places and Just stay at home. I Love You All!!!!

Motisi and Greco

Cyd's POV

2 Araw makalipas ang nangyari sa Transaction ng dalawang mayayamang mga sindikato na ako lang ang nakakita. Malinaw pa rin sa akin lahat, simula nung naging part ako ng 857 Batch 1 na pinamumunuan ni Nikka ay mas marami akong natutunan sakaniya. Mga galaw niya ay tamang tama ang lakas at hindi naman masiyadong pwersado.

Si Luke at sanay na rin, magaling bumaril at asintado. magaling sa martial arts kagaya ko, Si Aliah naman ay magaling mang bugbog medyo hindi pa siya siguro sanay sa paghawak ng baril dahil medyo nanginginig pa Hahaha! at higit sa lahat, Si Carl. Magaling bumaril, malayo palang ang kalaban ay napapabagsak niya na at Mas asintado. Pwersa ang kaniyang mga nagagawa kapag may laban pero sobrang lakas.

Hayy, mabuti nalang at napunta ako sa Batch 1. ang grupo kasi nila Nikka ay pinaka angat sa buong Agent Corporation, malinis magtrabaho at nagagawa lahat ng mga napag uusapan. nagpaplano sila ng medyo magulo pero nagagawa nila ng higit pa sa inaakala nila, maganda at nakakagulat ang kinakalabasan.
ang grupo nila ang tinitingala sa buong Corporation, ayun ang pinaka makapangyarihan nilang dating na hindi pwedeng mawala.

Hay! makababa na nga lang tutal 7:00 am na baka may mga almusal na doon. lumabas ako sa master's bedroom ko, lahat kasi kami ay master's bedroom ang kwarto na may sariling walk in closet sosyal diba??? pababa na ako sa hagdan nang biglang lumabas na rin si Nikka na kinukusot ang mata at gulo gulo pa ang buhok.

"Hmm. Good Morning Beautiful" aniya ko kay Nikka na nakatayo lang sa gilid ng hagdan at nakapatong ang kaniyang mga kamay sa hawakan.

"Good Morning Handsome, Yiie Hahahaha!" sambit ni Nikka habang nakatayo pa rin. "Tara baba na tayo." yaya niya sa akin at agad naman akong sumunod.

"Ang aga mo naman ata nagising?" tanong ko sakaniya at bahagya pang kumunot ang noo niya na talagang kakagising lang.

"Pumasok si Carl sa kwarto ko, pinatay yung aircon para magising ako. siraulo ba naman! sino bang inosente ang magpapatay bigla ng aircon" pasigaw niyang sabi upang mapalingon si Luke, Aliah at Carl sa amin.

"Oh Andyan na pala kayo, tara almusal na tayo tapos deretso na sa Opisina ni Nikka at pagkatapos nun ay Gun Firing" aniya ni Carl nang nakangiti sa akin at binaling niya ang tingin kay Nikka na nakakunot ang noo. "Sabi ko sa'yo Nikka sa opisina na natin asikasuhin yung Motisi at Greco. tig puyat ka na naman oh naiwan mo pa yung mga files na nakakalat at laptop mong nakabukas sa work desk mo. burara ka!" natatawang aniya ni Carl.

"Nakita mo na't lahat, dapat inayos mo na tsk tsk." aniya ni Nikka na natatawa na rin ng bahagya. "tatanga tanga ka rin" patuloy ni Nikka habang nakatuon pa rin ang kaniyang atensyon sa platito niyang may agahan.

bigla namang hinampas ni Carl si Nikka sa ulo gamit ang sandok, natawa kaming tatlo sa gawain nilang magkakapatid. minsan nakakainis ang bangayan pero nakakatuwa rin naman, ayan ang nakasanayan ko sakanila noong bata pa kami.

"Aba't!!!! Hoy Carl, ihahampas ko sa'yo 'tong kaldero nang gigil ako hayop ka!" aniya ni Nikka nang nakasalubong na ang kilay at nakakunot na ang noo. hindi na nagbalak sumagot si Carl at pinagpatuloy nalang niya ang kain.

makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami sa agahan, masaya ang saluhan ngayon kahit may bangayan ang dalawang magkapatid.
"maligo na kayo at mag asikaso, ayusin niyo porma niyo ha wag kayong mag mukhang business woman o man tch, nauna na si Aliah at ayun nag aasikaso na kaya dalian niyo" aniya ni Carl at dumeretso na kami sa sari sariling kwarto.

habang naliligo ako ay iniisip ko pa rin ang Motisi at Greco, ganoon pala talaga sila ka pormal sa isa't isa. tila walang alam kung ano ang nangyayari at mangyayari sa kani kanilang paligid.

natapos ako sa pagligo at nag asikaso na ako, nakasuot ako ng plain white shirt at black pants na naka nike shoes. ewan ko nalang talaga kung bakit pupunta sa gun firing, makayaya din 'to si Carl eh kala mo naman. tsk hay nako. bumaba na ako at pumuntang living room, at nadatnan ko si Carl na nakasuot ng checkered polo at white tshirt ang nakapaloob doon, naka pantalon na dark blue at naka nike shoes din.

"astig tayo dré ah" salubong niya sa akin, at nakipag apir.

"tsk. dati pa" aniya ko at naupo muna kami sa sofa para manood.

Aliah's POV

nauna na ako sakanila para umakyat upang hanapin ang envelope na nakuha namin sa transaction. kalkal dito, kalkal doon.

makalipas ang ilang minuto ay nahanap ko iyon sa drawer ko, wala akong balak buksan dahil sa aming lima ay si Nikka lang ay may karapatan na magbukas o magpakita ng files sa amin.

agad na akong naligo at iniisip pa rin kung anong laman ng nakuha naming envelope. lumabas na ako sa bathroom at nagbihis, sabi ni Carl wag daw mag formal ngayon tsk may schedule pa talaga.

nagsuot nalang ako ng red plain shirt at naka ripped ang pantalon na tuhod lang ang nakikita at nakasuot ng gucci white shoes, nagsuot nalang din ako ng shades na black para maganda hahaha! lumabas na ako dala dala ang 2 envelope na nakuha namin sa cruise. nadatnan ko sa living room si Luke na naka plain black shirt at naka pantalon na naka adidas shoes. nadatnan ko rin sila Cyd at Carl na nakaupo sa sofa habang prenteng prenteng nanonood ng palabas.

"ey aliah" sabay na bati ng tatlo sa akin. "ano yang dala mo?" tanong ni Cyd sa akin.

"eto ba? nakuha namin 'to ni Nikka nung araw ng transaction, nakita namin doon si Rodolfo." aniya ko sakanilang tatlo at agad silang nagulat.

"Anong nangya---" pinutol ko ang sasabihin ni Cyd, sobrang daldal kasi hays. "sa opisina ko na ikukwento tch, Asan na ba yon si Nikka??!" iritable kong sigaw nang biglang may sumigaw sa taas.

"ANAK NG TUPA! MAGHINTAY KAYO! PUMUPORMA PA 'KO!" sigaw ni nikka, at agad ng bumaba sa hagdan. nagulat kami sa kaniyang itsura, naka black leather jacket at naka white shirt ang pumapaloob dito, naka gloves siya at naka jeans na yung tuhod lang ang naka ripped at ang nagpapaganda ng kaniyang porma ay yung black timberland boots niya tsk.

Reyna talaga ng kapormahan.

"Tara na" aniya ni Nikka sa aming apat, at si Luke at Cyd ay naka titig lang sakaniya.

"Hindi kayo kikilos???!"

The Agents (COMPLETED)Where stories live. Discover now