SHUYIN 16: Dangerous Attraction

Start from the beginning
                                    


Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa kaliwang pisngi ko... Marahan naman iyon pero sapat na din para mapukaw ako...

Dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko, umaasang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa'kin—yung pagtaboy ni Azul sa'kin pati na yung pagdukot ng dalawang baliw na prinsipe sa'kin...

Pero agad na natunaw ang pag-asang iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pero agad na natunaw ang pag-asang iyon...

Nakatagilid kasi ngayon sa pagkakahiga si Fyro para harapin ako't titigan habang natutulog. Labag man sa loob ko ay pumayag na lang akong magkatabi kaming matulog kagabi dahil mukhang papatayin na talaga niya ako nung tumanggi ako nang isang beses...


Shuta... Wala naman siguro siyang ginawang masama sa'kin, diba?


"Ang ganda mo pala kapag natutulog. Mukhang himbing na himbing ka din sa pagtulog habang nakahiga sa braso ko." Isang matikas na ngiti ang namuo sa mga labi niya.

Hindi na lang ako sumagot at baka mali pa yung masabi ko...

"A-Anong oras na?" Tanong ko dahil ramdam kong sumasakit na ang tiyan ko sa sobrang gutom...

"3PM."

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.

Jusko bakit ngayon lang ako nagising?!

"B-Bakit hindi mo ako ginising nang maaga?" Kunwari'y kalmado pa rin ako kahit na yung utak ko andami na namang iniisip!

"I was too busy staring at your peaceful, beautiful face..."


Ibig sabihin... Ilang oras na siyang nakatitig lang sa'kin habang natutulog ako?!


POTEK!


"G-Ganun ba..." Napalunok na lang ako sa kaba... "Sige.. Uhmm...p-pwede ba akong m-maligo..?"


Tama... Para tanggalin niya saglit yung kadena...


"Sure." Ngumiti siya at kumuha ng tuwalya... "Sabay na tayo."

"Ano?!" Dun na ako tuluyang napabulyaw!

Natigilan naman siya at biglang napatingin nang matalim sa'kin.

"Bakit? May problema ba?" Nagtatagis na naman ang bagang niya.

"Bakit? May problema ba?" Nagtatagis na naman ang bagang niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now