| 6 |

53 0 0
                                    

"Going home?"

Hindi ako sumagot.

"If it's okay with you," napatigil siya saglit.

Tahimik lang ako na naghihintay sa sasabihin niya.

". . .pwede ba kitang ihatid pauwi?"

Napasimangot ako. Mukha ba akong hindi marunong umuwi mag isa?

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Naalala ko na naman yung sinabi niya noong unang beses na nag usap kami.

'I think I like you.'

Napapikit ako at napaiwas ng tingin.

Kingina, bakit ngayon lang ako naapektuhan sa sinabi niya? Dahil ba kaharap ko ulit siya?

Hindi sa pagiging hopeful romantic, pero curious ako. Ang dami kong mga katanungan na sa tingin ko ay. . . siya lang ang makakasagot.

Ngunit binalewala ko ang mga ideyang namumuo sa aking isipan at tinalikuran siya.

"You're rude."

At doon niya nakuha ang atensyon ko. Kita ko ang bahid ng pagkairita sa kanyang mukha.

Hindi ako nagpatinag at nanatiling kalmado.

"Hindi ako rude, ayaw ko lang mag aksaya ng panahon sa mga taong nagpapanggap."

"I'm not pretending." mariin niya tugon. "I really like you."

"Ryuji."

Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat nang tawagin ko siya sa kanyang pangalan.

First name basis na para mas direkta.

"Hindi ko alam kung ano talaga ang intensyon mo pero ako na ang magsasabi sayo, tigilan mo na kung anong plano mo."

"I want to know more about you."

"For what?"

"Because I like you!"

"No, you don't."

Tinitigan ko siya sa mata, at mukhang sinusubukan niya akong kumbinsihin na maniwala sa kanya.

Takte ka, ano ba talaga ang gusto mo?

Napabuntong hininga na lang ako at umiling.

Nabaling ang atensyon ko sa taong papalapit sa aming dalawa at may matalim na titig.

"Takahashi, tawagin mo si Alvarado. Magsisismula na ang training." malamig na sambit ni Leo.

Tiningnan lang siya ni Ryuji noong una pero kalunan ay nilapitan niya si Troy na hanggang ngayon ay kinakausap pa rin si Rain.

Napatingin ako kay Leo saglit na agad ko rin binawi. Ngunit napatingin lang din ako ulit nang magsalita siya na bahagya kong ikinagulat.

"Congratulations."

"Salamat." tugon ko habang nanatiling walang ekspresyon ang aking mukha.

Aalis na sana ako para puntahan si Rain pero may pahabol pa siya. "Si Kim, pumasok ba siya kaninang hapon?"

Umiling ako.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now