| 1 |

70 1 0
                                    

Today is Valentine's Day that's why cupids, red roses, chocolates, and flying hearts are everywhere.

And of course, kahit saan nagkalat ang mga estudyante. Kaya may mga taga ibang section na napadpad dito sa room namin.

Since Valentine's Day ngayon, no regular classes today until tomorrow dahil puro activities lang ang ganap.

Bad news: since may mga iba't ibang activity na magaganap, each year level are assigned to decorate a certain event.

And bad news ulit: kami, mga grade 12 students ang magde-decorate para sa variety show bukas.

And here's the bad news again: gagabihin kami ng pag-uwi at sigurado ako na konti lang ang tutulong para mag-decorate.

Finally, a good news: may plus fifteen points sa final grade in all subjects ang tutulong at may libreng pagkain.

Well, fair enough.

Pero iniisip ko pa lang na nagde-decorate na kami ng buong auditorium parang nakakapagod na.

Nakaramdam ako ng gutom at gusto kong bumili ng pagkain pero tinatamad ako dahil nasa fourth floor ang classroom namin at ang canteen ay nasa first floor.

Pero kingina, nagrereklamo na ang tiyan ko kaya bumaba na lang ako para bumili sa canteen. Iba talaga pag tawag ng tiyan ang umiral.

Buti na lang at 'di masyadong marami ang tao sa canteen kaya 'di ko kailangan pa maghintay ng matagal.

Habang nakapila ako, nilapitan ako ni Jen.

"Marami bang tao sa room?" tanong niya at pumila na rin.

"Medyo. May mga taga iba section kasi na nakatambay."

"Ano ba 'yan, paniguradong wala naman tayong mauupuan. Nga pala, tutulong ka ba mamaya sa decoration ng auditorium?"

"Oo. Sayang din kasi yung points sa final grade."

"OMG! Buti naman tutulong ka para naman may kasama akong classmate mamaya. Sabi ko na nga ba 'di mo papalagpasin ang extra points na 'yon eh."

Natawa ako sa sinabi niya. "Alam na alam ah."

"Syempre, ako pa!" sabi niya sabay kindat saakin.

Nang nakabili na kami, sabay kaming umakyat papuntang classroom at pinag-usapan ang plano sa pagde-design ng auditorium.

"Student council na ang bahala sa mga materials. Ang kailangan lang nila ay mga students para magtrabaho." sabi ni Jen.

May kukunin akong cookies sa bakeshop malapit saamin kaya dapat 'di kami masyadong gabihin mamaya. "Nga pala Jen, anong oras tayo pupunta ng auditorium at anong oras tayo matatapos?"

"Sabi ni Kath kanina, 3 pm dapat nasa audi na para by 5 or 6 pm tapos na."

"Kath? President ng student council?"

Tumango si Jen.

Kingina, 6 pm sarado na yung bakeshop.

No choice, kailangan kong mamili kung aalis ba ako ng mas maaga mamaya o bukas ko na lang kukunin.

Kaso ang tagal ko ng hinihintay yung cookies na 'yon at ngayon na lang ulit sila nagkaroon ng stock. Pero nakakahiya naman kung aalis mauuna akong aalis mamaya.

Bahala na nga. Sana maaga kami matapos mamaya.

Bago pa man kami makapasok ng classroom, nagulat kami nang napuno ng sigawan sa loob ng classroom namin.

Ang daming tao na nakaharang sa pintuan kaya 'di kami makapasok agad.

"Anong meron?" tanong ni Jen at nag tip-toe para silipin kung anong meron.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon