| 5 |

51 0 0
                                    

Nag-chat agad ako kay Troy pag-uwi ko ng bahay at tinanong kung anong pangalan ng teammate niyang chinito. Buti naman at nag reply siya agad.



Troy Alvarado

5:37 PM

Ry haha bakit

I mean full name niya

Ahh, ryuji takashi

Sige thanks po


Welcome haha nag usap na ba kayo?

Oo

Mabait yon haha gentleman din



Napairap na lang ako sa reply niya. Gentleman daw, saan banda?

Hindi na ako nag reply at tanging like react na lang ang tugon ko.

I tried to search his name sa Facebook pero walang lumabas. Stinalk ko ang profile ni Kim, sakaling makita ko doon sa friends list niya pero wala rin. Walang Ryuji Takashi. Sunod na pinuntahan kong profile ang kay Troy pero wala rin akong napala.

"Kingina multo ba 'to? Hindi ba uso ang Facebook sa kanila?" wika ko sa sarili.

'I think I like you.'

"Takte!"

Napasabunot na lang ako sa sarili tuwing naaalala ko yung sinabi niya kanina. Kahit kanina sa klase, 'yon lamang ang pumapasok sa isip ko. Pati na rin habang pauwi, 'yon pa rin ang laman ng utak ko.

"I swear, imposibleng gusto niya ako." mahinang bulong ko sa sarili.

Kung gusto niya ako, ba't ngayon niya lang sinabi? At saka imposible talaga. Never pa kami nagkaroon ng interaction. Never din kami nag-usap.

Takte ka RK, feeling mo masyado!

Natawa na lamang ako sa mga naiisip ko.

Tiningnan ko ulit ang profile ni Troy, baka sakaling may mga tagged photos or mentions siya doon sa Hapon na iyon.

Kaso walang 'Ry' or 'Ryuji Takashi'.

Kinabukasan, ang umaalingawngaw na boses ni Jen ang bumungad sa akin pagpasok ko ng room, kausap si Kaye.

"Ayan na ang aking seatmate na napakaganda!"

Napabuntong-hininga na lang ako. "Ang aga pa para mag-ingay."

"Morning RK!" masiglang bati ni Kaye, ngumiti ako bilang tugon.

Napalingon ako sa paligid at pansin kong wala pa si Kim. Kahapon din mukhang absent ata siya.

Nang dumating ang lunch time, sumabay ako kay Jen sa canteen dahil naiwanan ko ang lunch box ko.

"Sabay ako!" habol ni Kaye.

"Saan si Kim?" tanong ni Jen

"Absent, akala ko papasok pa siya ng lunch time pero mukhang hindi na. Saan niyo balak kumain?"

"Canteen lang para mas malapit, katamad na lumabas."

Chasing StarsWhere stories live. Discover now