"Umiwas ka sa gulo." Ang linyang iyan ang tanging tumatak sa isipan ni RK mula noong bata pa siya hanggang sa paglaki. Hangga't maaari, gusto niya panatilihing simple at tahimik ang buhay niya at iwasan ang mga bagay na makakagulo lamang sa kanya. Lahat naman ata ng tao ay gusto ng tahimik na buhay. Less drama kumbaga. Ngunit sabi nga nila, 'the only constant thing here in the world is change'.