| 3 |

50 0 0
                                    

Alam ko naman na wala masyadong ganap sa buhay ko kaya minsan napapatanong ako kung boring nga ba ito. Pero buti na lang ay abala din ako sa volleyball para naman kahit papaano ay may ginagawa ako bukod sa pag-aaral.

Ang volleyball team na sinalihan ko ay hindi connected sa university namin. Community teams ang tawag sa mga volleyball teams na sasali sa paparating na volleyball league ngayong February dito sa city namin kaya todo training kami—lalo na ako, na ilang araw absent sa training.

"Mamita, alis na po ako."

Paalam ko mula sa sala habang siya naman ay nagluluto sa kusina.

"Anong oras ka babalik apo?"

"Hapon na po ata 'Mi."

"Sige, ingat ka apo ha."

Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Bye Mamita!"

Kinuha ko ang gym bag ko at lumabas na ng bahay. Tiningnan ko ulit ang group chat baka may changes sa location ng training pero same pa rin naman. Sa Southridge Gym gaganapin ang practice game ngayon, dalawang sakay ng jeep mula dito sa amin sa Westridge. Hindi ko nga alam kung bakit doon eh. Madalas kasi sa Westridge Sports Complex.

4 pm ang usapan pero mukhang maraming late dahil yung iba sa gc sabi maliligo pa daw.

Pagdating ko sa Southridge Gym, si Coach Hero agad ang nakita ko.

"Buenacosta. Buti maaga ang dating mo."

Napasimangot ako. "Coach kailan ba ako na late?"

"Hindi nga na-le-late pero puro absent naman."

"Uwi na lang ako coach!"

"Sige para 50 dives ka mamaya."

Ngumiti ako ng alanganin. "Sabi ko nga po dito na lang ako hanggang bukas."

"Stretching muna habang hinihintay ang iba. Go with your teammates." aniya sabay turo sa mga kasama ko sa bench.

Agad nila akong binati nang makita nila ako.

"Ilang araw 'di ka nag-training ah." Bungad ni Joy sa akin, isa sa teammate ko.

"Busy eh." Nakangiting tugon ko.

Nang magsimula na kaming mag warm up, nanibago ang katawan ko dahil agad akong napagod. Mukhang nadagdagan pa nga ang bigat ko dahil sa ilang araw walang training.

Saglit akong napatigil sa pagtakbo, sinusubukang habulin ang paghinga.

Jusko, kailangan ko na talagang bumawi sa training.

Nang magsimula ulit ako sa pagtakbo, napatingin ako at ang ibang teammates ko sa entrance ng gym nang bumukas ito at tumambad doon ang mga grupo ng kalalakihan.

Nanlaki ang mga mata ko. Agad ko naman silang nakilala dahil sa pamilyar nilang mukha.

Our school's basketball team.

Hindi sila pupunta ng seniors night? Lahat sila?

Nilapitan ni Leo si Coach. May sinabi siya ngunit hindi namin narinig.

"Don't tell me lilipat tayo?" Reklamo ni Joy.

"Wag naman sana! Nakapagsimula na tayo eh!" Hinihingal na tugon ni Rain na napaupo saglit dahil sa pagod.

"Hingal na hingal ah?" Biro ko sa kanya.

"Che! Daya mo ilang araw kang wala!"

"Bakit kayo tumigil? Continue jogging!" singhal ni Coach sa amin kaya napatingin si Leo sa amin.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now