| 8 |

8 0 0
                                    

Weeks have passed. Mas lalo kami naging busy. Yung mga teachers namin, sunod-sunod ang pagbibigay ng mga gawain.

Last week, nagsimula nang magbigay ng mga performance task ang mga teachers. Kaso yung PE namin, ngayon lang.

Kaya heto kami ngayon, lowkey nagrereklamo.

"Si Ma'am Joson, ewan ko ba kung anong trip niya sa buhay!" reklamo ni Troy.

"Ano kayang nakain ni Ma'am bakit niya pinag-isa ang dalawang section." sambit ni Kaye.

"Tarub siguro?"

Parehong nanlaki ang mata naming tatlo at nilingon si Troy.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag react sa sinabi niya. "Bastos ampota!" natatawa ngunit may bahid ng pandidiri sa boses ko.

Hindi sa pag iinarte pero masyadong bulgar ang sinabi niya.

Inirapan siya ni Jen. "Ew! Troy, watch your mouth!"

"'To naman, pag nag-asawa ka makakatikim ka din—aray! Ano ba ang sakit!"

"Bastos mo!" hinampas pa ulit ni Jen ang braso niya ng isa pang beses.

Napagdesisyonan kasi ni Ma'am Joson na simula ngayon, tuwing PE time namin, iisang klase lang kami kasama ang kabilang section. Hindi naman alam kung bakit.

Nandito kami sa gym, magkakatabi kami nina Kaye, Jen, at Troy.

"Saan si Kim?" nagtatakang tanong ni Troy.

Nagkibit balikat lang si Kaye. "Nasa clinic ata, masakit puson niya kanina pa."

Nahagip ng paningin ko ang papalapit sa amin na si Leo. May dala siyang papel.

"Attendance sheet, mamaya pa darating si Ma'am Joson." simpleng wika niya nang makalapit sa amin.

Kinuha ni Kaye ang attendance sheet.

Siniko ko ang katabi ko. "Paghiram ballpen Jen."

"Ako rin Jen!" singit ni Troy.

Hinintay ko matapos si Kaye magsulat, pagkatapos ay ako naman.

"Jen, oh." binigay ko sa kanya ang ballpen pagkatapos ko magsulat.

"Boss, nga pala," tumikhim si Troy. "saan si Ryuji?"

Natigil siya.

"Absent ba? Hindi ko na nakita simula kaninang umaga." dagdag ni Troy.

"Nasa clinic." simpleng sagot niya.

Bahagya akong nagulat at nagkatinginan kaming apat. Yung mukha ni Jen, mukhang marites na ready na makipag chismisan!

Tumikhim si Troy. "Bakit daw?"

"Masakit daw ang paa niya."

Kung wala siguro si Leo sa harap namin, malamang binuka na ni Jen ang bibig niya. Malamang kung ano-ano na naman ang sasabihin niya. Pero hindi, tahimik lang siya, nag-iingat sa maaari niyang sabihin.

Si Kaye, nanatiling tahimik. Mukhang inaasahan niya na mangyayari 'to.

Mukhang pareho kaming lahat ng iniisip. Na magkasama ang dalawa ngayon.

Nilingon ko si Leo. Nakatingin lang siya sa papel na ngayo'y sinusulatan ni Troy.

Napaisip tuloy ako kung ba't nandoon yung dalawa sa sinehan noong huli. Sabi nila may training sila.

Hindi ko na masyado nakikita si Ryuji, huling kita ko sa kanya ay noong sa sinehan pa. Kahit tuwing training nila sa southridge ay wala rin siya.

Mabuti na rin 'yon para wala ng masyadong gumugulo sa utak ko. Naiinis ako minsan sa sarili ko kapag nagiging apektado ako o kaya ay sumasagi sa isip ko ang ginawa niyang pag-amin.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon