| 4 |

52 0 0
                                    

As expected, ang magiging topic sa room ngayon ay ang mga nangyari noong sabado na seniors night.

Pero hindi ko inaasahan na magiging usapan din kung bakit hindi ako sumama.

Feeling ko tuloy naging instant celebrity ako dahil halos lahat sila tinatanong ako kung bakit wala daw ako noong sabado.

"Hindi ka kakain RK?" tanong ni Jen nang lunch time na.

"Mamaya. Tatapusin ko lang 'tong movie na pinapanood ko." sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

"Sabay muna ako kina Kaye ha," lumapit siya sa akin. "May chismis ako sayo mamaya." bulong niya.

Napangiti ako. "'Yan ang gusto ko." biro ko.

"Wala ka bang gustong ipabili?"

"I'm good, thanks."

"Okay! Bye!"aniya at umalis na.

Naalala ko na may chips pala sa bag ko kaya kinuha ko 'yon at binuksan.

Sobrang tahimik ng room ngayon dahil konti lang kami na lang kaming naiwan dito. Yung iba tulog.

Ngunit nabasag ang katahimikan sa room nang pumasok si Troy kasama ang teammate niyang maputi at chinito.

Nilingon ako ni Troy at nginitian.

Dumiretso sila sa pwesto kung saan ako nakaupo.

"RK!"

Nag-echo yung boses niya sa loob ng room dahilan para magising 'yong ibang kaklase ko na natutulog.

Tinanguan ko siya. "Huy."

"Is that her?" tanong ng katabi niya.

"Magkaklase kami noong grade 7. Tahimik 'yan at sobrang bait pa."

Napakunot-noo ako. May kailangan ata 'to.

"Pasensya na noong sa 7/11. Dumating si coach kaya kailangan namin magmadali papuntang gym."

"Ah, gano'n ba. Ayos lang." Napatigil ako saglit. "May kailangan ka ba?"

"Wala naman, pero siya meron."

Tinuro niya ang katabi niya.

Kumunot ang noo ko. Siya? Bakit?

Tinapik siya ni Troy sa balikat. "Ikaw na bahala Ry."

Bigla akong kinabahan. Anong meron?

"RK, una na ako." paalam ni Troy na hindi ko man lang nasagot agad. Tumango lang ako nang umalis na siya. Ngayon ay naiwan naman kaming dalawa nung 'Ry'.

"I want to talk to you." Panimula niya na tila wala siyang panahong mag aksaya ng oras.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Tungkol saan?"

"Much better if we'll talk outside."

Sa labas? "Bakit? Hindi ba pwede na dito na lang?"

Nilingon niya ang paligid kaya napatingin na rin ako at nagulat ako nang nakatingin na pala sa amin ang ibang mga kaklase ko.

Tumayo ako, bagay na ikinagulat niya.

"We'll talk outside?" naguguluhang tanong niya kay naguluhan din ako.

"Akala ko ba gusto mong makipag-usap sa labas?"

Hindi na siya sumagot at naglakad na palabas ng room at sumunod na lang ako. Paglabas namin, marami rin tao sa hallway. Ang iba napatingin pa sa amin.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now