Ramses in Niraseya (Kabanata 20)

6.6K 150 10
                                    

                KABANATA 20

TENIVIS”

Sandatang parang malaking karet ang itsura ng hawak-hawak ni Ramses. Ang talim nito ay paikot at matulis ang bawat dulo. Mahaba naman ang hawakan nito at payat na parang buto ng tao na nakalagay sa may dulong bahagi ng patalim. Halos kasing taas lang ni Ramses ang sandata kaya nagtataka ito kung paano nya iyon nabuhat.

“Isa syang mandaraya!” sigaw ni Rettie na papalapit kina Ramses sa unahan. “Bihasa sa mahika ang babaeng yan kaya sya nakakapagpalit ng kahit anong sandata.” Matalim ang tingin ni Rettie sa dalaga.

Nanginginig si Ramses sa kanyang narinig. Natatakot sya sa kung anong maaring mangyari sa kanya. “Hindi totoo yan. Wala akong alam sa mahika kaya’t paano mangyayari ang sinasabi mo?” pagpapaliwanag ni Ramses. Lumapit sya muli sa mesa at inilapag ang sandatang hawak nya at muling dinampot ang unang sandatang kanyang nakuha.

“Nakita nyo na? Ganun na lang kadali sa kanyang kuhanin ang sandatang iyon? Hindi ba nakakapagtaka na tayong lahat ay nahihirapang magawa ang tulad nun.” Pag-aakusa ni Rettie. Ang lahat ay tila sumang-ayon sa pahayag ni Rettie. Umingay ang paligid dahil sa usapan.

“Magsitigil kayo!” sigaw ni Ginoong Yaku. “Walang basehan ang akusasyon mo Rettie. Posible ang nagagawa ni Ramses─” tumigil sya sandal at tumingin sa dalaga. “Wala akong karapatang akusahan si Ramses ng kahit ano. Ang mga nakakataas lamang ang may karapatang magpataw ng parusa sa kanya. Yun eh kung mapapatunayang nandaraya sya.” Lumapit sya kay Ramses. “Ibalik mo ang sandatang iyan sa mesa.”

“Pero bakit po? Wala po talaga akong alam sa mga sinasabi ni Rettie. Wala po akong alam sa mahika. Ngayon lang po ako nakarating dito kaya imposible po lahat ng mga sinasabi nyo.” Itinago ni Ramses ang hawak na sandata sa kanyang likuran.

“Huwag kang mag-alala. May isang sandatang naghihintay sa guhong bahagi ng Niraseya. Walang sinuman ang makakuha noon, kahit si Maestro Boro.” Pagpapaliwanag ni Ginoong Yaku. “Maari kayong magsanay gamit ang inyong mga sandata habang wala ako,” dugtong pa nito.

Ang lahat ay nagsanay gamit ang kanilang bagong sandata. Marami sa kanila ang madaling natuto sa paggamit ng mga ito. Ngunit meron din namang tila hindi makasundo ang sandatang nakuha nila. Ang ilang mga sandata ay nagsisilutangan kapag nabitawan ng may hawak nito. Hindi nagsasanay si Rettie at nakatingin lamang kay Ramses habang kinakausap ni Ginoong Yaku.

“Sumunod ka sa’kin Ramses.” Utos ni Ginoong Yaku habang naglalakad palabas ng silid. Naiwan sa loob ang mga baguhan. Tanging si Ramses lamang ang nakalabas kasama ni Ginoong Yaku.

“Nakikiusap po ako, huwag po kayong maniwala kay Rettie. Wala po talaga akong ginagawang masama.” Naluluha na si Ramses ngunit tuloy pa din ang pagpapaliwanag nya kay Ginoong Yaku. Nakarating sila sa labas ng Silko. Humarang si Ramses sa daanan ni Ginoong Yaku. “Para nyo na pong awa, huwag nyo po akong palabasin ng Silko. Pinapangako ko po wala akong gagawing labag sa patakaran.” Halos lumuhod na si Ramses sa pagmamakaawa sa kanyang guro.

            Hinipan ni Ginoong Yaku ang isang maliit na bagay na parang pito. Ilang saglit lang ay humangin ng malakas at dumilim sa pwesto nila Ramses. Tumingala ang dalaga at nagulat sya sa kanyang nakita. Isang malaking hayop na parang ibon ang lumilipad pababa. Hinimas ni Ginoong Yaku sa ulo ang kakaibang hayop na ‘to. “Sya si Napar. Huwag kang matakot.” Sumakay si Ginoong Yaku sa likod ni Napar. Iniabot nya ang kamay sa dalagang naiwan sa lapag. Tiningnan ni Ramses ang kamay na inaabot ng kanyang guro. Bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot. Pagkatakot sa kung anong pwedeng mangyari at pagkatakot magtiwala. “Hindi po ba labag ang paglabas ng Silko ng walang pahintulot ni Maestro Boro?” Ngumiti lamang si Ginoong Yaku sa dalaga. “Huwag kang matakot, alam ng lahat na ako ang kasama mo. Ako ang mapaparusahan kapag may nangyari sa’yong masama. Kaya’t sumakay ka na para makaalis na tayo.” Mataas na hayop si Napar. Mas mataas pa it okay Ginoong Yaku. Ngunit dahil mahusay na mandirigma ang ginoo ay madali syang nakakasakay at nakakababa sa ibong ito ano mang oras.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon