Ramses in Niraseya (Kabanata 37)

5.7K 115 6
                                    

Kabanata 37

“Ang tunay na katapangan!”

 

 

 

“ – Ryona!” pagpapatuloy ni Ginoong Yaku.

            Nakaramdam naman ng kaba si Ryona ng banggitin ni Ginoong Yaku ang kanyang pangalan.Tumingin sya kay Ramses na parang nagpapahiwatig ng pagkatakot.

“Pumili ka na ng Reme, Ryona,” sabi ng guro habang itinuturo ang mga Reme na nasa kanilang harapan.

            Dahan-dahang humahakbang si Ryona papalapit sa mga Reme at pinagmamasdan ito isa-isa. Sa itsura pa lang at laki ng mga ito ay natatakot na syang lumapit.

“Huwag kang matakot, Ryona.” Pagpapaalala ni Ginoong Yaku.

            Lumapit si Ryona sa isang mapulang Reme ng nakangiti na tila nakikipagkilala.

            “Kamusta, ako nga pala si Ryona,” sabay ngiti.

            Tiningnan sya ng Reme at lumipad ito papalayo sa kanya. Parang nakaramdam naman ng pagkahiya si Ryona sa ginawa ng Reme.

            “Bakit po sya umalis?” nahihiyang tanong ni Ryona kay Ginoong Yaku.

            “Hindi nya siguro gusto ang ginawa mong pagpapakilala.” Sagot ng guro.

            Hindi nagustuhan ni Ryona ang sinabi ng guro. Biglang nawala ang kanyang pagkatakot. Isang hamon sa kanya ang mapasunod ang Reme na iyon. Inihanda ni Ryona ang sarili at hinanap ang ibong ito sa paligid. Nakita nya ito sa itaas na bahagi ng batuhan.

            “Humanda ka sa’king Reme ka!” bulong ni Ryona sa sarili. Agad namang syang kumilos ng mabilis at nipalitan ang ibon. Maliksi syang kumilos na parang sumasabay ng ihip ng hangin. Dahil kaya nyang pagaanin ang sarili, halos hindi mapansin ang kanyang mabilis na kilos. Hindi man lang namalayan ng Reme ang pagsakay ni Ryona sa kanyang likuran.

            “Hindi ko gusto ang iniasal mo kanina Reme!” sabi ni Ryona sa ibon habang nakasakay sa likuran nito.

            Tila nagulat ang Reme ng magsalita si Ryona mula sa kanyang likuran. Gumawa ito ng isang matinis na tunog na halos magpayanig sa mga batong kanyang tinatapakan. Lumipad ito papaitas at paliko-liko na parang pinipilit ilaglag si Ryona.

            “Hindi mo ako madaling maihuhulog Reme.” Dumapa lang si Ryona sa likuran ng ibon at isinabay ang katawan sa paglipad nito.

            Ngunit malakas ang Reme. May kung anong balahibo ito na biglang nagtigasan na parang bato. Ang likurang bahagi ng katawan nya kung saan nakadapa si Ryona ay naging matalim na unti-unting sumusugat sa nakakapit na katawan ng dalaga.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon