Ramses in Niraseya (Kabanata 29)

6.3K 143 4
                                    

This Chapter is dedicated to one of my regular readers. Yung palaging naghahanap ng update kahit kakaupdate lang. Haha.. :) Vote ka ulit. :p

***************************************

Kabanata 29

“HUSTISYA”

            Ibang eksena na naman ang napuntahan ni Ramses. Tila silid-hukom ang lugar na iyon. Nakaupo sa unahan si Maestro Boro katabi ang mga guro at sa harapan naman sina Ginoong Domte, Yvoc at ang estudyanteng babae na pinagbibintangang may sala sa nangyari kay Lutiso.

            Dumating ang isang babaeng nakaitim na tila isang manggagamot. Lumapit ito kay Maestro Boro at may iniabot na maliit na bote at saka papel. “Ito po ang resulta ng pananaliksik na ginawa namin. Ang dugo ng babaeng inyong pinaghihinalaan na si Greena ay positibong dumadaloy sa katawan ni Lutiso. Mukhang pang-unang lunas lamang ang nakita natin na dahilan ng kanyang pagkamatay, ngunit ang totoo ginamit lang iyon upang lituhin ang mga manunuri.” Yumuko ito at umalis na matapos ipahayag ang nais sabihin.

            Binasa ni Maestro Boro ang nakasulat sa papel. Gusto ding makita ni Ramses ang nakasulat doon kaya’t minabuti nyang lumapit sa kanya. Bago pa man nya makita ang papel na iyon ay tumayo si Maestro Boro.

            “Greena, gusto kong marinig ang iyong pahayag. Hindi mo ba ipagtatanggol ang iyong sarili?” pahayag ng matanda.

            Bago pa man magsalita si Greena ay naiyak na sya. Bahagya syang tumingin kay Ginoong Domte na masama ang tingin sa kanya. “Ang totoo po – ” tumungo sya at tsaka nagpatuloy. “Nakita ko po sa silid si Ginoong Domte na may kinakausap na babae. Pinag-uusapan nila ang pagpaslang kay Lutiso.”

            Nagtaas ng boses ni Ginoong Domte bilang pag-aantala sa nagsasalitang estudyante. “Walang basehan ang kanyang sinasabi. Gusto nya lang pagtakpan ang kanyang sarili. Wala kayong nakitang ibang tao sa silid maliban sa’ming dalawa, hindi ba maestro?” Tumingin ito ng matalim sa dalaga. “Kaya’t paano nya mapapatunayan ang kanyang mga sinasabi?”

            Tumango si Maestro Boro sa narinig mula sa ginoo. “Tama. Ngunit nais ko munang marinig ang lahat-lahat ng nais sabihin ni Greena.” Lumapit sya sa dalaga at ipinatong nya ang papel at bote sa harapan nito. “Maari mo bang ipaliwanag kung paano naging ganito ang iyong dugo?”

            “Yung babae po, hinawakan nya ako at – ” biglang hindi makagalaw si Greena at hindi makapagsalita.

            “Greena, ituloy mo,” sabi ni Maestro Boro habang nakatingin sa kausap.

            Biglang nagbago ang kulay ni Greena. Bigla syang naging maputla at hindi makagalaw. Mabilis namang nagsilapitan ang mga guro sa kanya pati na rin ang mga manggagamot.

            Nais makisingit ni Ramses sa nangyayari kaya’t lumapit din sya para mas makita ang nangyayari kay Greena. Laking gulat nya na unti-unting nanunuyot ang balat ng dalaga na parang matanda at dahan-dahang natutuklap. Hindi sya basta-basta pwedeng hawakan dahil para syang lupa na nagiging abo. Pinagmasdan nya agad si Ginoong Domte na nakatingin sa itaas at nakangiti. Agad tiningnan ni Ramses ang direksyong tinitingnan ng ginoo at nakita nya ang babaeng naka-itim.

            Nilapitan nya ang kanyang ama na kasalukuyang tulala sa nakikitang nangyayari kay Greena at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot.

            “Ama, tingnan mo yung babae. Tingnan mo sila ama. Sila ang may kagagawan ng nangyari kay Lutiso.” Sinubukang hawakan ni Ramses ang kanyang ama ngunit hindi nya ito nahawakan. Parang hangin lamang ang kanyang nakikita na hindi nya mahawakan at maramdaman pero kanyang naririnig.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Where stories live. Discover now