Ramses in Niraseya (Kabanata 1-4)

41.1K 423 29
                                    

Please do not redistribute in any form without the consent ofthe author. Any name and instances that are similar to any person, dead or alive, are purely coincidental. This is made through the imagination of the author alone. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

                                                                                KABANATA 1

                       

                                                                         “ANG PAGBABALIK”

            “Maari mo nang ayusin ang mga gamit mo sa iyong silid sa itaas. Ako na ang bahala dyan, Ramses.”

Banggit ng matandang si Ileta, ang tiyahin ni Ramses. Inilalabas nila ang mga gamit mula sa mga kahon upang mailagay na ng ayos sa loob ng bahay. Si Ramses ay inampon ng kanyang tiyahin at lumaki sa Maynila. Doon na sya nagkaisip at nag-aral. Ngunit dahil nasunog ang kanilang tinitirhan doon ay  napilitan silang bumalik sa kanilang bahay sa probinsya.

Tumayo si Ramses at kinuha ang malaking bagahe ng kanyang gamit. “Tiya, ang gusto ko po sanang maging silid ay yung tanaw ang buong bayan. Ayos lang po ba iyon?”

Ngumiti panandali ang kanyang tiyahin at tumigil sa ginagawa. “Maraming silid sa itaas, pero kung ang gusto mo ay tanaw ang bayan yung silid sa kanan ang maganda.” At nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ang matanda.

Binitbit ni Ramses ang kanyang bagahe at umakyat sa itaas upang hanapin ang kanyang silid. Natutuwa si Ramses na mas malaki ang kanilang bahay ngayon kaysa sa bahay nila sa Maynila. Agad naman nyang nakita ang silid na sinasabi ng kanyang tiyahin. Binuksan nya ang silid at natuwa sa kanyang nakita. Mayroon na doong isang malaking kama. May malaking aparador na din na tila panahon pa ng kanyang lola. Nakita nya din ang isang malaking bintana. Ibinaba nya ang kanyang bagahe sa higaan at agad binuksan ang bintanang ito. Sumambulat sa kanya ang magandang tanawin. Ang bayan ay tanaw na tanaw mula doon. Ang mga puno sa bundok ay kita rin mula sa kanyang silid. Sariwa ang nalalanghap nyang hangin. Muli ay binalikan nya ang kanyang bagahe upang iayos na ang kanyang mga gamit.

            Nang malapit na syang matapos sa kanyang pagaayos ng gamit ay may biglang kumatok sa kanyang silid at may pumasok na isang magandang dalaga.

            “Kamusta ka na Ramses?” Dire-diretso naman sa loob ng silid ang dalaga at umupo sa tabi ni Ramses. “Ang laki ng pinagbago mo kaysa noong mga bata pa tayo ah. Mas tumangkad at pumuti ka ngayon.”

            Nakatingin lamang si Ramses sa dalagang nagsasalita na tila kinikilala kung sino sya. Ngunit kahit anong tingin nya ay hindi nya talaga maalala ang babaeng ito. “Pasensya na ha. Hindi kasi kita matandaan.”

            Tumawa ng malakas ang kausap nyang babae. “Ano ka ba naman Ramses. Ako si Kim. Ako yung batang nakitulog sa bahay nyo sa Maynila noong 5 years old pa lang tayo. Kasama ko pa nga sila inay at itay noon.”

            Namula ang mukha at tila napahiya si Ramses sa narinig sapagkat hindi nya nakilala ang kanyang kausap. “Kim? Ikaw na ba yan? Mas malaki ang pinagbago mo. Di ba mataba ka at maitim?”

            “Hoy noon yun. Sexy na ako ngayon. Eh ikaw, payat noon, payat pa din ngayon.” Pang-aasar ni Kim sa kaibigan.

            “Nakakatawa, nakalimutan ko na taga-dito nga din pala kayo. Mabuti naman at mayroon akong kakilala. Hindi ako mahihirapan at malulungkot.” Agad niyakap ni Ramses ang kaibigan sa sobrang katuwaang malaman na hindi sya nawalan ng kaibigan kahit na umalis na sila ng Maynila.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon