Ramses in Niraseya (Kabanata 28)

6.1K 133 9
                                    

KABANATA 28

“Ginoong Domte”

 

 

            “Ano pong nangyari kay Nikriv?” umiiyak na tanong ni Ramses habang diretsong nakatingin kay Maestro Boro.

            Kulay asul ang itsura ni Nikriv at nanigas na ito. Dilat ang mga mata at nakanganga pa sya.

            “Hindi ba dapat ikaw ang aming tanungin tungkol dyan, Ramses?” tanong ni Madam Rifi habang nakatitig sa kanya ng diretso.

            “Po? Ano pong kinalaman ko sa nangyari kay Nikriv?” Tiningnan nya ang kasama sa ganoong sitwasyon. “Wala po akong ginagawa sa kanya.”

             Lumapit si Madam Nema na may hawak-hawak na tinapay. “Ano ‘to?”

            Lumingon si Ramses at tiningnan ang hawak-hawak ng guro. “Yan po ang tinapay na kakainin ni Nikriv⎼” tumingin ito sa mata ng guro, “wala po akong nilalagay dyan. Kung ano lang po ang iniabot sa’kin ni Ginang Dutris, yun lang po ang ibinigay ko kay Nikriv.” Naiiyak na paliwanag ni Ramses.

            “Ramses, nasuri namin ang tinapay.” Panimula ni Maestro Boro. “Hindi lang ang tinapay kundi ang lahat ng pagkain na iyong dinala kay Nikriv.” Tumungo panandalian ang maestro bago pa muling nakapagsalita. “Ang lahakt ng iyon ay mayroon panglunas na likido.” Lumingon sya saglit kay Ginoong Domte at tsaka bumalik ng tingin sa dalaga. “At napag-alaman namin na hawak mo ngayon ang panglunas na likido na ginawa nyo kanina sa klase kanina.”

            Nagulat naman si Ramses sa mga narinig mula sa maestro at hindi sya agad nakapagsalita. Pinahid nya ang kanyang mga luha at tsaka lumapit sa matanda.

            “Pero hindi ko po ginagalaw ang likidong panglunas na inihabilin sa’kin ni Ginoong Domte. Maniwala po kayo sa’kin.” Muling pumatak ang mga luha ng dalaga habang ang lahat ay nakatingin sa kanya na tila hindi naniniwala. “Hindi ko po kayang manakit ng kapwa ko. Maniwala naman po kayo sa’kin.”

            Tila nakaisip si Ramses ng paraan para mapatunayang wala syang kasalanan. Tumakbo sya papalabas ng silid-gamutan at bumalik sa kanilang silid upang kuhanin ang likidong inihabilin sa kanya ng guro. Agad din naman syang bumalik sa silid-gamutan upang ipakita ito kay Maestro Boro.

            Pagdating nya doon ay may isang babaeng nakaitim na sumusuri kay Nikriv. Dahan-dahan syang lumapit sa mga gurong nandun upang ipakita ang kanyang dala-dala.

            Nakita nya na parang dismayado ang itsura ni Maestro Boro at umiiling-iling pa ito. “Papuntahin nyo na ang mga magulang ni Nikriv dito para kuhanin ang kanyang katawan.” Tumalikod ito at nakita si Ramses hawak-hawak ang likido.

            “Maestro, heto po ang likido. Hindi po ito nabawasan kaya’t mapapatunayan ko pong hindi ko ito ginalaw.” Dali-daling lumapit si Ramses sa maestro ng bigla syang madapa. Ang bote ay bumagsak sa sahig at nabasag.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon