Ramses in Niraseya (Kabanata 48)

5.3K 115 6
                                    

KABANATA 48

 

“Pagkikita-kitang muli”

 

 

            Nakita ni Aragon na nagtatakbuhan ang mga tao sa direksyon kung nasaan ang sinaunang bahay. Dahil hindi maganda ang kutob ng binata ay minabuti nyang silipin ang pinagkakaguluhan ng mga tao.

            “Sobra naman ang mga batang ‘yun. Paano natin sila matutulungan kung ganyan sila karahas?” sabi ng isang babae sa kanyang katabi.

            Hindi maintindihan ni Aragon ang sinasabi ng mga taosa paligid kaya’t nagmadali sya sa paglapit sa pinagkakaguluhan ng lahat. Tumatabi naman ang mga tao sa kanyang daraanan at nappapatingin sa kanya. Papalapit na sya sa kinatatayuan ng pinagkakaguluhan ng lahat ng biglang napansandal sa kanya ang isang lalaking tila inihagis mula sa di kalayuan.

            “Ayos lang ho ba kayo?” pag-aalalang tanong ni Aragon habang tinutulungang tumayo ang lalaki.

            Itinuro ng lalaki ang direksyon malapit sa harap ng sinaunang bahay. Tila naaninagan nya si Perus na nakikipaglaban sa mga tao. Nagmadali sya upang lapitan ang binata.

            Aktong papasugod na si Perus ng makita nya si Aragon.

            “Ikaw?” tila nabuhayan ang mga mata ni Perus ng makita ang binata.

            “Paano kayo nakarating dito? Nasaan si – ” itinuro ni Perus si Ryona na nakahiga at walang malay.

            “Anong nangyari sa kanya?” dali-dali nilang nilapitan si Ryona. Binuhat naman sya si Aragon.

            Papasugod na sana ulit si Perus sa mga tao ng awatin sya ni Aragon.

            “Hindi sila mga kaaway. Wala silang mahika at mga hindi marunong makipaglaban.” Buhat-buhat na nya si Ryona. “Sumunod ka sa’kin.”

            Alerto pa din si Perus dahil gusto nyong pangalagaan ang kaibigan nya.

            “Anong lugar ba ‘to? Bakit ganyan ang itsura nila?” naguguluhang tanong ni Perus.

            “Ito ang mundo ni Ramses.” Pumasok sila sa gate nila Ramses. “At dito sya nakatira.”

            “Sa maliit na tirahan na yan?” parang hindi makapaniwala si Perus sa nakita.

            Pumasok sila sa loob at inilapag ni Aragon ang dalaga sa upuang nasa ibaba.

            “Anong nangyari sa kanya?” nag-aalalang tanong ni Ileta.

            Wala syang malay at nakita nila ang sugat nito sa may tyan.

Ramses in Niraseya (COMPLETED)Where stories live. Discover now