Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Nang bahagyang tumahan ay nag-angat ako ng pagkain sa pagkain na dinala ni Tito More.

Napangiti ako sa isiping siya ang nagpadala niyon. Hinila ko ang cart niyon papalapit sa table saka naluluha muling sinimulang kumain.

Hindi maalis ang paningin ko sa mga bulaklak habang ngumunguya. Pakiramdam ko ay nakikita ko si Maxwell na iniaabot sa 'kin ang mga 'yon, nababaliw na talaga ako

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang may kumatok muli sa pinto. Dali-dali kong ibinaba ang tinidor saka pinunasan ang sariling mukha. Nakakahiya naman kung makikita ako ng kung sinomang dumating sa ganitong itsura. Maaga pa ay namumugto na ang mga mata.

Marahan kong binuksan ang pinto, inaasahang si Tito More ang makikita. Hindi nga ako nagkamali. Pero hindi ko alam kung bakit may maliit na parte sa 'kin ang umasa na sana ay si Maxwell na lang iyon.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ni tito nang madatnang tila hindi man lang nabawasan ang pagkain.

"Ah, kasi, tito..."

Nginisihan niya ako, ganoon sa mga nang-aasar. "Umiyak ka pa, 'no?" talagang tinanong niya iyon sa nang-aasar na tono!

Ngunit hindi ko magawang maasar. Hindi rin ako makapaniwalang magbibiro siya nang gano'n.

"Tito, si Maxwell po?"

Natigilan siya sandali. "Nasa trabaho."

"Gano'n po ba?" nagbaba ako ng tingin.

No'ng mga nakaraan, naisip kong balewala sa kaniya ang pinagdaraanan namin dahil nakapagtatrabaho pa siya. Ngayon ay iniisip ko na kung gaano kahirap para sa kaniyang magtrabaho habang nasasaktan.

"Siya po ba talaga ang nagpadala ng mga bulaklak?" umaasang tanong ko.

"Si Maxrill."

Napapadyak ako. "Tito naman, e!"

"Joke 'yon, joke!" tumawa siya nang malakas, bilib na bilib sa sariling biro!

Nanlumo ako. "Tito naman, e..." parang maiiyak ako sa inis.

Hindi dahil nagbiro siya nang ganoon kundi dahil ang pangit-pangit talaga nilang magbiro kahit kailan. Pakiramdam ko si Maxwell lang ang hindi ganoon kalala! Hindi dahil mas maayos siyang magbiro kundi dahil madalang niya iyong gawin.

"Oo, si Maxwell ang nagpadala ng mga iyan. Nang malaman niyang darating kami ni Dirk, nagpabili siya ng bulaklak." Bigla ay nakangisi siyang lumapit sa mga bulaklak. "Ano, nakita mo ba 'yong sulat?" 'ayun na naman 'yong nakakalokong tono ni tito.

Nakagat ko ang labi ko saka ngumuso. "Yes, tito..." pakiramdam ko ay namula ako.

Hindi ko inaasahang papalakpak si tito! "Astig, 'di ba?"

Hindi ko na napigilang ngumiti. "Yes, tito."Naitikom ko ang bibig sa hiyang makita niya akong kinikilig.

"There's no distance for me," sinabi ni tito iyon sa paraan na ginagaya ang tono at pananalita ng kaniyang anak.

Nagbaba ako ng tingin nang hindi na mapigilan ang ngiti. "Tito naman, e, bakit mo binasa?"

"Ibig niyang sabihin do'n, meron kaming sariling eroplano!"

Natigilan ako at napaangat ng tingin sa kaniya. "What?"

Tumango siya. "Oo! Gano'n 'yon, 'nak. Kahit saan ka naman talaga pumunta ay mapupuntahan ka niya. Siya ang panganay na Del Valle, wala siyang gusto na hindi nakukuha."

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon