Part 25

10 1 0
                                    

Sinave ko ang mga pictures na sinend sa akin ni Andreia. Iyon lang ang picture na kasama ko si Alec. Simula no'ng araw na 'yon ay dumidistansya na rin ako sa kanila. Nagtataka man sila pero ang sabi ko naman ay busy lang pero ang totoo ay umiiwas ako. Pero nagkikita pa rin naman kami, nagkakausap pero parang sibil lang.

Nagdaan pa ang mga buwan at ngayo'y December na naman. Tapos na ang first sem at bakasyon na. Ang sabi sa akin ni Andreia ay may Youth fellowship sila every December at sasama raw dapat ako dahil first time ko. Sa katapusan pa naman 'yon kaya makakapag-prepare pa kami. Kinabahan lang ako nang sabihin sa akin na ako ang participant sa solo contest nila.

-------

"Omg. Bessyyyyy!!!! I missed you!"

"Na-miss din kita bes." Hinagkan ko siya. Nandito kami ngayon sa airport dahil sinundo namin si Hannah. Tinapos niya lang ang sem doon at dito na siya magpapatuloy. Gaya ko rin, dito na sila titirang magpamilya.

"Tita miss ko kayo. Tantan. Magkakasama na ulit tayo." Tumitili pa niyang sabi.

"Naku. Maingay pa rin talaga. Halika na. Alis na tayo, sa bahay nalang tayo kakain, Han. Magastos sa labas." Pabirong sagot ni mama.

------

"There's nothing too dirty
that You can't make worthy.
I'm washed in Your mercy,
I am clean..."

Kasalukuyan kaming nagrerehearse ni Alec sa stage. Mamayang gabi ang solo contest. Kinakabahan ako but hindi gano'n katindi. Pinaghandaan ko 'to. Nag-fasting pa ako dahil gusto ko kapag kakanta ako ay makikita ng mga tao sa akin kung paano kumilos ang Diyos sa buhay ko. Nag-fasting ako para mawala lahat ng negativity at totoo nga.

"Ready mo na ang susuotin mo. Tama na 'yon." Sabi sa akin ni Alec matapos mag-practice.

"Okay."

Sibil kung sibil ang trato namin sa isa't isa. Hindi nabalik ang closeness namin. Aaminin ko, oo gustong-gusto ko siya pero hindi kami ang para sa isa't isa. Ayokong mapunta sa "akala ko'y tamang tao na para sa akin".

Makalipas ang ilang oras ay gabi na nga at magsisimula na ang Solo Contest. Nagdaan pa ang ilang minuto ay ako na ang kakanta.

"Clean, from New Life Church." Pagkatapos kong sabihin ang pamagat ng kanta at kung saang church ako nagmula ay nagsimula nang tumugtog ang keyboard, ang nag-iisang instrumento na ginagamit namin ngayon.

"I see a shattered,
but You see hope.
I see a broken,
but You see beautiful..."

Patuloy ako sa pagkanta hanggang sa naligaw ako sa mundo saglit. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, tipong parang wala kang problema, puro kapayapaan. Ang sarap talaga sa pakiramdam.

Hanggang sa matapos ako. Hindi ko lubos akalaing makakaya ko 'yon. Agad akong bumaba, ni hindi na napansin ang pagtawag ni Alec.

-------

Grabe ito pala ang sinasabi nilang event na hindi mo pwedeng mamiss, ang ganda nito para mas maging matatag pa ang Spiritual life mo. Buti nalang at sumama talaga kami ni Hannah. Yes, kasama ko si Hannah at kasama na rin namin lagi si Joy, lately.

Nasa panghuling araw kami ng Sectional Youth Camp ngayon. At ngayo'y wala na kaming masyadong gagawin. Tatapusin nalang lahat ng events para walang palya sa awarding mamayang gabi. Tapos na rin ang mga lectures at katatapos lang ng Sunrise Worship namin.

Inabala ko lang ang sarili ko sa pagtatransfer ng mga na-take note ko sa journal ko. Buti nalang at dinala ko ito dahil bukod sa solo ay wala na akong sinalihan na ibang event.

Makalipas ang ilang oras ay last night na. Start na ng last Evangelistic Service para sa camp na ito.  Sila Alec ang nag-lead sa Praise and Worship. Ngayon ko lang nalaman na known pala ang "Salmo" dito. Ang dami rin nilang mga kaibigan at kakilala. Hindi rin naman ako magtataka.

"Sumisigaw sa tuwa, HALLELUJAH. Sumisigaw sa galak..." Pag-awit ko kasabay ng lahat ng tao rito sa covered court. Ang sarap lang magpuri sa Panginoon. Ito ang bagay na gusto kong ulit-ulitin araw-araw, oras-oras, minu-minuto dahil pakiramdam ko kapag nagpupuri ako, kilala ko kung sino ako at anong silbi ko. Salamat sa Diyos at tinawag niya ako.

-----------

"When the Lord said "I am that I am", He meant to say "I am your God, I am your King, I am your Provider, I am your Healer, I am Your Protector, I am Your Saviour, I am a way maker, I am a light in the darkness, I am a promise keeper", remember that God is everything you need as you go through in this world."

Ang sinabi ng speaker na iyan ay nagpaiyak sa akin. Naalala ko ang mga panahong walang-wala ako, kami, ni hindi alam kung saan patungo pero isang dasal lang, sinagot Niya agad. Totoo ngang Siya'y sapat na at higit pa.

God Bless the Broken RoadWhere stories live. Discover now