Part 19

9 1 0
                                    

"Tara na." Sabi ko kela mama. Papunta na kami ngayon sa simbahan, sana ay hindi pa kami late. Suot namin ngayon ang mga binigay sa akin ng kompanya nila Alec. Namimigay kasi sila ng mga damit sa mga empleyado nila bilang bonus na rin sa pagtatrabaho.

Ang suot ni mama ay isang floral dress habang sa akin naman ay peplum dress, si Tantan ay nakapink na long-sleeved polo rin, gusto niya rin kasing pormal siya.

Nang palabas na kami sa gate ay may bigla ring tumigil na sasakyan. Hindi ito pamilyar sa'kin subalit pamilyar naman ang bumaba. Oo, si Alec ang bumaba suot ang isang itim na long-sleeved polo at may neck tie na yellow habang naka-tuck in at brown na leather shoes. Napanganga naman ako sa kanya. May ikakagwapo pa pala 'to?

"Hello po. Sinundo ko na po kayo, Tita Carms, Liah, Tantan kasi bisita kayo e at mahalaga rin kayong tatlo sa akin kaya' yon po." Bumalik naman ako sa huwesyo ko nang narinig ko siyang nagsalita.

"Naku nag-abala ka pa, iho e pwede naman kaming magcommute pero salamat ah." sagot naman ni mama.

Pagkatapos ng maikling usapan ay sumakay na kami sa kotse ni Alec at binaybay na ang daan patungo sa simbahan.



Kaya pala deeply rooted sila sa word ni God dahil may Sunday School sila bago magsimula ang Divine service. Sobrang blessed ako sa Sunday school nila at ngayon ay kakasimula pa lang ng service. Kahit di namin alam ang mga kanta ay pasalamat naman ako dahil may flat screen tv naman sa harap kung saan nakapaskil ang mga lyrics.

Grabe ganito pala kasaya magpuri sa Panginoon. Noong una ay nag-aalangan akong tumalon at ipataas ang mga kamay ko subalit hindi ko na namalayan na grabeng talon, sigaw, sayaw ang ginawa ko. Hindi ko alam ang tunay na kahulugan ng "praise and worship" pero may kung anong bumubulong sa akin na kailangan ko isigaw ang Hallelujah, ang pangalan ng Diyos kaya ginawa ko at napaluha ako, hindi ko alam kung ba't ako naluha pero hindi ako malungkot. Ang saya ko pa nga.

Nang matapos 'yon ay winelcome kami, nakipag-shakehands silang lahat sa amin habang nasa harap kami. Ito ang way nila sa pag-welcome sa amin, grabe ang overwhelming.

Hanggang sa nagpatuloy ang service at hindi ko maexplain ang saya at kapayapaan na nararamdaman ko.




Jesus is in this room, making the place I stand
Holy ground, Holy ground

The viel is torn, the doors fling wide
I see glory as I run inside
Your throne room, before You, I bow

Sumasabay ako sa choir ng mga youth nila. Ito ang kantang prinactice nila kahapon. Ang sarap pakinggan. Akala ko'y hindi na ako iiyak pero mas naiyak ako. Sobrang sarap sa pakiramdam ang maramdaman ang presensya ng Diyos, kung alam ko lang, sana noon pa.

Nagpatuloy sila sa pagkanta habang kaming lahat naman ay nagwoworship ulit hanggang sa natapos sila at itinurn over sa preacher ang mic.



"It doesn't matter if you are a sinner, God can change it in just a snap. We're all sinners in the first place pero lagi nating tandaan God came to earth for sinners to repent. Go back to the Author and to the Finisher of our faith. No matter how far you've run, when God calls you, He will surely get you out from the world and make you as His."

Alam ng Diyos kung kailan Niya ipapadala ang mga taong kailangan mo para maliwanagan, ang puntong iyan ang tumama sa akin habang nagpipreach ang Pastor nila Alec. Grabe si Lord, damang-dama ko na Siya. Gusto ko nalang magbabad sa presensya Niya, ganito pala kafulfilling. Mapapasigaw ka talaga nga HALLELUJAH kahit bisita ka.

God Bless the Broken RoadTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang