Part 23

11 1 0
                                    

Matapos kong patayin ang tawag ay nag-facebook muna ako saglit. Habang nagsscroll ako ay may nakita akong about Bible journal, mga gamit pang-journal at kung paano gumawa ng devotion. Sa totoo lang ay ginagawa ko naman 'yan pero nakuha talaga nito ang atensyon ko. Parang gusto ko ng Bible journal.

Agad kong minyday ang Bible Journal at nagcaption pa ako ng "saan 'to mabibili?". Nagpaplano rin akong bumili ng mga colored pens and marker at sticky notes. Ewan ko ba no'ng nakita ko 'yong post ay napaisip ako sa mga gawa ko, ang plain lang kasi, walang art. Natawa naman ako sa "art", hindi pala ako mahilig sa gano'n pero di bale na.

Magla-log out na sana ako nang biglang tumunog ang messenger tone ko.

"Alam ko kung saan." si Alec pala nagreply sa myday ko.

Agad naman akong nagreply.

Ako:
Talaga? Saan? Bilhan mo ako.

Alec:
Wala akong pera. Joke. Sige bukas, sama tayo.

Tayo? Magtitipa na sana ako ng isasagot nang sinundan niya ang una niyang chat.

Alec:
I mean tayo ni Andreia. She'll be going with us too. After class.

Bumuntong-hininga naman ako. Parang relieved.

Ako:
Sige. Salamat. Matutulog na ako. Good night. God bless you, Alec.

--------

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay. Hindi ko na hinintay sila Alec. Nag-text na rin naman ako.

Nagsimula ang klase ko at doon ko na itinuon ang atensyon ko. Minor subject pa ang klase namin ngayon ngunit major na sa mga susunod na oras. Matulin akong nakikinig sa bawat diskusyon ng nasa harapan. Nagtitake notes din mang biglang nagvibrate ang phone ko. Nag-text si Andreia.

Andreia:
Ate Liah, sa fast food na raw tayo mag-lunch later tapos bibili na tayo ng Bible journal.

Inisip ko naman agad kung may klase ba mamaya, nang mapagtanto kong wala ay nag-reply kaagad ako.

Ako:
Okay. Kita nalang tayo sa gate mamaya.

Nagpatuloy ang diskusyon at makalipas ang mga oras ay lunch break na rin. Agad akong tumungo sa gate at nakita kong kakarating lang din ni Andreia ro'n habang si Alec nama'y kinukuha pa ata ang sasakyan.

----------

Tapos na kaming kumain sa isang sikat na fast food chain at ngayo'y binabaybay na namin ang daan patungo sa isang Christian Book Store sa isang mall. Nauuna kami ni Alec sa paglalakad habang nasa likod naman si Andreia.

Nang makarating kami sa Bookstore ay agad kaming tumungo sa Bible Section at naghanap.

"Ito Liah." Abot sa akin ni Alec.

Agad ko namang inabot ang Bible at tinignan ito. Kulay blue ito na may nakalagay na "Bible Journal" ito nga ang hinahanap ko at agad na nginitian si Alec. "Salamat. Ito nalang, favorite color ko rin naman." Saad ko kay Alec.

"You're always welcome. Akin na para mabayaran ko." nilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. "Hindi. Ako ang magbabayad. Ako ang gagamit e." Umiiling kong sabi.

"Okay fine but let me buy you those art materials para diyan. Consider it as my gift. I won't accept no, Liah."

Wala na akong nagawa.

"Why are you guys looks so good together?!" Nagulat naman ako nang biglang nagsalita sa likuran sa Andreia na muntik ko nang nakalimutan na kasama pala namin.

"Pinagsasabi mo?" Tanong naman ng Kuya niya.

"Nothing. I just find you both so cute. Tara at bayaran na natin yan para sa kabila na naman tayo bumili ng art materials."

God Bless the Broken RoadWhere stories live. Discover now