Part 21

11 1 0
                                    

Nagdaan ang mga araw, nakaka-adjust na ako sa mga bagay-bagay lalo na sa school at nagsisimula na rin kami sa Campus Ministry namin, katulad ngayon, may gagawin kaming parang mini service sa music room, every wednesday namin itong ginagawa at pangatlong mini service na namin ito mula noong nagsimula kami.

Pagkatapos noon ay dumeretso ulit kami nila Alec sa church dahil may Midweek service din. Habang nabubuhay pa'y mas mainam na gawin itong makabuluhan at kalugod-lugod sa harap ng Diyos. A life with Him is a life worth living.

------

"Liah." Tawag niya ulit sa akin ni Alec. Hindi ko alam kung may pasok ba 'to o wala pero bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko.

"Ano na naman?" naiinip kong sagot. Kasi naman nagrereview ako dahil may quiz ako mamaya.

"Bilhan kitang chocolate? Nakakatulong daw 'yon para maalala mo mga pinag-aralan mo."

"Huwag na. Tsaka diba prayer works, naniniwala akong papasa ako kasi pinagpray ko na. 'Wag ka na mag-abala."

"Pag-pray ulit kita? Ililayhands?" Bigla niyang sabi.

Agad naman akong napatingin sa kanya. "Ayos ka lang?"

"Oo naman." Kunot-noo niyang sagot.

"Seryoso ka?" tanong ko ulit.

"Liah alam mo kung kailan ako nagbibiro at hindi. Sige na. Mapeperfect mo 'yan." Kompansya pa niyang sagot.

"Hoy Alexander alis na. Hindi na ako natutuwa ah. Ang kulit!" Pagtataboy ko sa kanya dahil dumagundong nang husto ang puso ko.

Ngumisi naman siya sabay sabing "hindi ako aalis hangga't hindi ka papayag na ipagpray kita."

Nagtalo pa kami ng ilang minuto bago ako sumuko. "Oo na, ito na. Magpray ka na para sa'kin." napabuntong-hininga naman ako.

'Yon nga ang ginawa niya. Nakapikit pa siya kaya pumikit na rin ako. Seryoso ang loko. Dama ko na naman ang puso ko. Lord, alam kong hindi ito dapat kaya kung maaari ay sana'y tulungan mo akong i-guard ang puso ko.

God Bless the Broken RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon