Part 10

15 2 0
                                    

Nang medyo nakalayo na ako'y tumigil ako saglit. Hinahabol ko ang hininga ko dahil hiningal ako sa pagtakbo.

Nang medyo nakabawi na'y lalakad na sana ako nang biglang may humarang sa dinadaanan ko.

"Tumabi ka riyan! Padaanin mo ak—" agad akong napatigil. Bakit siya nandito at bakit parang hinihingal ang isang 'to? Hinahabol ba ako nito?

"Hey. Chill! I'm Alec and wala akong masamang intensyon sayo." Sabi niya habang nilahad ang kanang kamay sa harapan ko kahit medyo hinihingal pa siya.

Napatigil naman ako saglit at napakunot ang noo. "Anong kailangan mo sa'kin?"

"Uh, I just want to— uh, uhm yeah I just want to be friend— no I just want to know you kasi kanina habang nagjajam kami ro'n sa park, tagal mong nakatayo ro'n at tinatanaw kami e."

Binawi na niya ang kamay niyang nakalahad at napakamot siya sa kanyang batok.

"'Wag mo nang isipin 'yong kanina, ang ganda niyo lang kasing tignan. Sige una na ako." Saad ko at nagpaalam na sa kanya pagkatapos.

"Hey, wait up! You can join us naman sa susunod. Pwede ka naming puntahan sa bahay niyo o 'di kaya'y dito nalang tayo magkita." Pahabol niya.

Napatigil ako sa paglalakad at tumalikod para tignan siya. "Pasensya na pero hindi ako mahilig sa ganyan at busy rin akong tao. Nagkataon lang na napadaan ako kanina." Sagot ko at tumalikod ko.

God Bless the Broken RoadWhere stories live. Discover now